Chapter 25

3K 125 7
                                    

Sometimes love just ain't enough.

A/N: Enjoy po sa pagbabasa nitong Chapter 25. Hohoho!

Chapter 25: Sometimes love just ain't enough

POV. Wincel

Hindi ako makapag-focus ngayon sa pagbabasa. Bakit ba kasi nagbabasa pa ako? Wala naman pasok ng tatlong araw!

Geez! Kung hindi ko lang mini-maintain ang grades ko hindi ako magtitiyaga eh!

Natawa tuloy ako sa sarili ko. Para akong baliw rito. Buti pa si Crix pabakasyon bakasyon na lang.

Geez! Nagtatampo na talaga ako! Pa'no ba naman? Inuna pa niyang imbitahan 'yung manliligaw niya kaysa sa amin na kaibigan niya.

'Tong si Jennifer naman, hindi nagprotesta kay Crix!

Bakit kasi hindi siya nagpaalam sa akin? Porket alam niyang maiinggit ako!

Napasimangot ako! Pupunta na lang ako do'n ng mag-isa. Hahahaha!

"Itigil mo nga 'yan!" Biglang pahayag ni Jennifer.

Tumaas ang kilay ko. Hindi ko naman siya pinakikialaman magbasa ah! Pero, ano ang ititigil ko?

"Itigil, ang alin?" Nagtataka kong tanong.

Ibinaba niya ang binabasang aklat sa mesa at tumingin sa akin. Inayos niya pa ang salamin sa mata, bago magsalita.

"You're crazy." Maikli at seryosong sagot niya.

Malamang ang napansin niya ay para akong baliw na papalit palit ng emosyon.

Ngumiti ako sa kanya at napataas siya ng kilay sa akin.

"Hahaha! Napapansin mo pala ako, kahit na nakatutok ka sa libro. Infairness, Ang galing mo ah!" Natatawa kong usal sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at bumalik sa pagbabasa. Binitawan ko ang librong hawak.

"Sa tingin mo, ano kaya ang ginagawa nila Crix du'n sa resort?" Tanong ko.

"I don't know." Maikli niyang sagot at hindi pa rin ako nililingon.

Napacross arms ako. "Geez! Ano ka ba naman, Jennifer?! Tayong dalawa na nga lang ang narito ang ikli-ikli mo pa rin magsalita." Naiinis na sambit ko.

Hindi niya pa rin ako pinapansin at parang isang hangin lang ako na dumaraan sa harapan niya.

Geez! I don't like this! I'm not use to it! Hindi ko kaya na walang ka-k'wentuhan.

Tumayo ako at nagtungo sa kwarto. Aalis na lang ako rito.

Bahalang maburyong si Jennifer dito sa dorm. Sanay naman siyang mag-isa eh!

Nagbihis ako ng simpleng pink dress. Kinuha ko rin ang pink headband sa mesa at isinuot ko ito.

Hindi ko na kailangan magmake-up, feeling ko kasi ang gusto ni Brent ay simpleng babae lang.

I breathe in, breathe out. Sana nasa dorm siya!

Kahapon kasi ay nagpunta ako sa dorm nila. Noong kinatok ko pa nga ang pinto ng dorm nila ay agad akong hinarangan ni Drei eh!

Ang sabi niya ay nanonood sila ng movie kaya hindi ako p'wedeng pumasok.

Nagtaka pa nga ako eh! At Geez! Kailan pa ipinagbawal sa aming mga babae ang panonood ng movie?!

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon