Chapter 16

3.1K 134 3
                                    

A/N: Hi!? Chapter 16 is up.. Enjoy reading beybe.

Chapter 16: SunDate

POV. Wincel

"Anong niluluto mo?" Mahinhing tanong ni Crix.

"Menudo!" Nakangiti kong sagot habang hinahalo ito.

"Ha? Pero 'yan din ang ulam natin kahapon at nung isang araw 'di ba?" Nagtatakang tanong niya.

Napatango ako. "Ha? Ah.. Okay?" Sagot niya.

Maaga akong nagising upang ipagluto sila ng almusal. Ginaganahan kasi ako at super positive lang dapat ang day ko.

Habang inihahanda ko na ang pagkain sa table ay hindi ko mapigilang mapangiti. Naisip ko tuloy 'yung nangyari kagabi, kasama ko kasi si Brent.

Geez! Kahit na iniwan kami nila Crix at Ethan kagabi ay sinulit namin ang mga oras na magkasama kami. Nagk'wento si Brent tungkol sa bestfriend niyang bruha raw, si Tintin.

Hahahaha! Gusto ko na nga siya ma-meet and I don't know why.

Pagkatapos, tawa lang kami ng tawa dahil kapag may kinu-k'wento akong 'di kanais-nais sa pandinig niya ay nagma-make face siya.

'Yun bang busangot ang mukha tapos biglang tatawa. Para lang kaming mga baliw. Hihihi! Ang cute lang.

Napabuntong hininga ako. Mahal ko na 'ata talaga siya.

"Morning." Bati ni Jennifer na mukhang kagigising lang. Umupo na siya agad sa table.

Inihain ko na ang pagkain at tinulungan naman ako ni Crix.

"Morning girls!" Masayang bati naman ni Sheena. Lahat kami nagulat sa naging gawi ni Sheena. Napatitig tuloy kami sa kanya.

Kapag kasi kasama namin siya ay lagi siyang nagsusungit na parang laging may regla.

"Ahmm.... Let's eat girls." Nakangiti sambit ni Crix upang mawala ang awkward moment.

Nakaupo na kaming lahat dito sa hapagkainan at sabay-sabay kaming kumain. Pinagmasdan ko sila.

Si Jennifer na mabagal sumubo ng pagkain at gayundin si Crix. Si Sheena naman ay tuloy-tuloy sa pagsubo na parang nagmamadali.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na rin ako sa pagkain.

Ilang sandali pa ay natapos na kami kumain. Walang usap-usap kaya natapos kami agad. Geez! Ang sarap siguro ng niluto ko.

Si Crix ang naghugas ng pinggan. Si Jennifer na bumalik sa room upang magbasa at si Sheena na umalis upang pumunta sa kanilang company.

Umupo ako sa sofa. Walang kaming pasok ngayon kaya hindi ko alam ang gagawin.

Geez! Ang boring! Tahimik, wala akong kausap at higit sa lahat wala si Brent. Huhuhu! Namimiss ko na siya agad.

Nabigla ako dahil tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking short.

Teka? May nagtext. Si.... Si Brent?

Napatili ako at nagtatalon talon na parang timang. Sinuway ako ni Jennifer. Geez! Ang lakas ng pandinig niya ah!! at natawa lang si Crix habang naghuhugas.

Napahinto na lang ako at excited na umupo ulit.

Hinawakan ko ang cellphone at binasa ito.

From: Brent

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon