Chapter 28

3.1K 146 25
                                    

Earned it

A/N: "Earned it" ang pinili kong kanta na sasayawin nila Brent, ewan ko! basta ang sexy kasi eh! Hahaha! Happy reading!

Chapter 28: The talent show: A Fervent Performance (Part 3)

POV. Brent

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala rito. Kung anu-ano na ang mga naiisip ko.

Hindi ko pinansin ang ilang estudyante na pinagmamasdan ako. Bahala na silang mag-isip kung bakit ako nagmumukmok rito.

Bumuntong hininga ako, kasabay ang pagpatak ng aking luha.

Sana hindi na lang ako sumama kay Wincel na manood sa auditorium, baka hindi pa ako sobrang nasasaktan ng ganito.

Bakit kasi hindi na lang ako nakontento sa backstage at panoorin maglampungan 'yung dalawang magjowa!

"Hayss!" Buntong hininga ko.

Napatingin ako sa puting panyo na nasa harapan ko. Tumingin ako sa taong nag-aabot sa akin nito.

"J-jason?" Nauutal na tawag ko. Ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Kunin mo na 'to." Mahinahong wika niya.

Gusto ko sanang sabihin na, pangit na ba ang itsura ko para bigyan ng panyo, pero I appreciate his effort.

Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang luha ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako ng pilit at naalala 'yung araw na binigyan ko rin siya ng panyo upang punasan ang kanyang luha.

Dahil din pala 'yun kay Ethan at ngayon, ako naman ang lumuluha dahil din sa kanya.

Umakbay siya sa akin. Feeling ko kahit hindi ko sabihin sa kanya ang problema ko ay alam na niya 'yung ikinalulungkot ko.

"You know what? Kung sa love 'yang problema mo, baka makatulong ako?" Seryoso niyang sambit.

Napakunot noo ako. Pa'no niya ako matutulungan? Alam ko rin naman na si Ethan din 'yung taong gusto niya.

At ngayon, alam kong nasasaktan din siya dahil 'yung taong mahal niya ay masaya sa piling ng iba.

"Hahaha!" Mahinhin na tawa niya. Napatitig ako sa kanya at umayos siya ng upo.

Infairness, kahit na simpleng t-shirt at ripped jeans ang suot niya ay makikita mong napakaelegante niyang tignan.

"Alam ko na 'yung iniisip mo." Nahinto ako sa pagpuna sa physical appearance niya ng magsalita siya.

"Si Ethan, siya talaga 'yung taong mahal ko pero alam mo ba na medyo... naka-move on na ako sa kanya." Nakangiti niyang pahayag.

Bakas sa mukha ko ang pagiging seryoso. I don't know, siguro dahil si Ethan ang pinag-uusapan.

"I know, I am not for him, pero pinilit ko pa rin 'yung nararamdaman ko para sa kanya, kahit na ayaw niya. He did not consider my love just because I'm gay. Hahaha! Pero ngayon, okay na ako." Bakas sa mukha niya ang saya, walang bitterness na nararamdaman at parang naka-move on na nga talaga.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.

"Na-realize ko na dapat magmove on na ako sa kanya. Dahil ako lang din naman ang masasaktan kapag ipinagpatuloy ko pa siyang mahalin." Tumingin siya sa mga mata ko at parang ipinahihiwatig na gawin ko ang mga ginawa niya.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon