Chapter 26

3.1K 131 4
                                    


A/N: Paalala! Be open minded. Charr!! 'Yun lang. Hihihi! Enjoy po sa pagbabasa.

Chapter 26: The talent show: Beginning (Part 1)

POV. Ethan

I stretch my arms habang naglalakad papalabas ng kwarto. Tatlong araw na kami ni Crix dito sa resort nila.

Actually, I didn't expect, I'm with her. Hindi ko alam kung may problema ba 'tong si Crix dahil pabigla bigla siyang nagdedesisiyon.

Niyaya niya akong magbakasyon rito tutal tatlong araw naman daw walang pasok.

Nagtaka pa nga ako dahil ang sabi niya sa akin ay gusto niya akong makasama ng isang linggo.

Bahala na raw kaming magdahilan kung bakit hindi kami makakapasok sa susunod pang mga araw.

Pumayag naman ako dahil chance ko na 'to para makasama siya ng matagal.

Nakakabakla man ay hindi ko alam na kikiligin ako that time.

Nagpaalam naman ako kina Drei at Van na hindi ako makakauwi sa dorm dahil nga niyaya ako ni Crix dito sa resort nila sa Laguna.

Hindi ko na rin inabala si Brent na gisingin dahil alam kong kukulangin siya sa tulog kapag ginising ko siya.

Habang naglalakad papuntang kitchen ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa amin ni Crix nitong mga nakaraang araw.

Noong first day namin dito ay nag-ikot ikot kami. Inilibot niya ako sa buong resort. Ipinakilala sa mga tauhan nila at sa iba pang mga empleyado.

Halos sumakit na nga ang paa ko pero hindi ko na lang pinansin dahil kasama ko siya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niyang mala-anghel sa ganda ay nawawala ang pagod ko.

Second day namin na magkasama ay ipinakita niya sa akin ang zip line na ipinapatayo niya rito sa resort, pang dagdag daw kasi ito sa turist attraction ng lugar.

Hindi pa tapos ang renovation ng zip line kaya hindi pa namin nasusubukan. Ipinakita niya rin sa akin ang stage kung saan tutugtog ang banda kapag magpeperform.

Maayos na rin ito. May mga malalaking speakers sa bawat gilid ng resort at iba't ibang cool na disenyo.

Ipinakita rin niya sa akin 'yung mga swimming pools and cottage nila. And lastly, itong hotel rooms.

Magkatapat lang kami ng room ni Crix. Malamang tulog pa 'yon dahil napagod kahapon.

Anong oras na rin kasi kami nakauwi dahil sa marami kaming napag-usapan.

'Yung tungkol sa surprised party para sa kanya na ginawa ng mga taga-foundation. 'Yung tungkol sa mga classes nila at kulitan nilang magkakaibigan na sina Wincel at Jennifer.

Napapangiti ako kapag siya ang kasama dahil bukod sa mas nakikilala ko pa siya, ay lalo akong humahanga sa kanya.

For almost six years na panliligaw ko sa kanya, ay hindi ko iniisip ang tagal ng araw dahil ang mas importante sa akin ay maipakita ko kung gaano ko siya kagusto.

Kahit gaano pa katagal akong maghintay sa matamis niyang oo ay okay lang.

"Good morning, Ethan. Come here! I cooked for you." Nakangiting alok niya sa akin.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Pa'no siya nakapasok dito?

Yes, she is one of the owner of this hotel but I don't expect she will entered my room.

"Sorry kung naistorbo kita. I just want to be here with you." Napayuko siya at parang nahiya.

I come close to her. "No, it's fine. Nagulat lang ako. Ano ba 'yung niluto mo?" Agad na tanong ko sa kanya para hindi siya mailang.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon