A/N: Sorna agad, dahil sa mabagal na update. Huhuhu! Sobrang busy lang po. But, sana mag-enjoy po kayo sa chapter na 'to... Hihihihi!
Chapter 39: Resort
POV. Wincel
"Ano, Crix? Natawagan mo na ba si Drei?" Tanong ko.
Kumuha ako ng isang chichiria sa table. Nandito kasi kaming lahat sa sala.
"Hindi pa eh, mamaya na lang siguro." Simpleng sagot ni Crix sa akin.
Tumango ako sa kanya. Geez! Hindi na ako makapaghintay na puntahan sina Brent sa dorm nila.
Yayayain ko kasi sina Brent at Ethan na pumunta sa resort nila Crix para makapagbakasyon. Pero ang sabi kasi sa akin ni Crix ay tatawagan na muna niya si Ethan bago ako pumunta sa kabilang dorm.
Tapos na kasi ang exam at p'wede na kaming magbonding sa resort! Sobrang naging hectic ang schedule namin kung kaya't it's time to enjoy. Hihihi!
Sumandal ako sa kinauupuan kong sofa at napatingin sa mga kasama.
Katabi ko si Jennifer na hindi pa rin tumitigil sa pagbabasa kahit tapos na ang mga klase namin.
Si Sheena naman ay nagmamake-up sa may dulo ng sofa, dahil may imi-meet daw siya na isang investor nila sa company.
At si Crix na hawak ang cellphone at busy sa pagtetext.
Medyo naweweirduhan ako sa kanya dahil sa hindi ko maipaliwanag. Siguro, dahil sa hindi pa sila nagkikita ng maayos ni Ethan.
Pero sabagay, pinagtuunan kasi ng pansin ni Crix 'yung academic subjects namin para hindi raw siya bumagsak at tsaka bawal ang boyfriend. Hahaha!
Bumuntong hininga ako at napaisip. "Kailan ko kaya makikita si Mr. Kemberlu?" Mahinang bulong ko sa sarili.
Geez! Halos magtatatlong linggo ko siyang hindi nakita. Napanguso ako. Hindi ko alam kung estudyante siya rito sa LU. Nakakainis!
Bakit kasi hindi ko siya pinilit na sabihin sa akin 'yung pangalan niya?!
Kinapalan ko na nga ang mukha ko para lang makilala siya at malaman ang pangalan niya.
Tinanong ko kasi 'yung registrar ng school at ang sabi nito ay wala namang bagong estudyante ang LU.
Huminga ako ng malalim. Sino kaya siya? Ano kayang pangalan niya? Dito kaya siya nag-aaral? Geez! Nababaliw na 'ata ako.
Napangiti ako bigla. Hihihi! Ang cute niya kasi. Naalala ko tuloy 'yung itsura niyang masungit at 'yung tono ng pananalita niya.
Ang cool niya rin manamit at halatang may maibubuga ito pagdating sa fashion.
Napakagat ako sa labi. Mukhang tinamaan ako ah! Pero? Sa'n kaya siya pupunta? Nung nakita ko kasi siya ay may dala-dala siyang malaking maleta.
Hmmm?
"Wincel, pupunta ka na ba kina Brent? Hindi kasi sinasagot ni Ethan 'yung tawag at text ko eh." Napatingin ako kay Crix dahil sa bigla niyang pagsasalita.
"Ah, oo pupunta ako." Agad na sagot ko.
"Sige, pakisabi na lang ha? Salamat." Paalala niya. Tumango ako sa kanya habang sina Jennifer at Sheena ay busy sa kani-kanilang ginagawa.
Ilang sandali ay tumayo na ako. Hindi ko na dinala ang cellphone at ilang gamit ko. Sa dorm lang naman nila Brent ako pupunta eh!
Nagpaalam na ako kina Crix, Jennifer at Sheena. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa kabilang dorm.
BINABASA MO ANG
Pretending For You [boyxboy]
General Fiction"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRETENDING TO BE A STRAIGHT MAN." -Brent Joseph Flores THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE...