Chapter 21

3.1K 125 10
                                    

A/N: Enjoy reading this chapter.

Chapter 21: Advice

POV. Brent

Tulala ako habang nagpupunas sa isang table rito sa dulo ng restaurant.

Naalala ko kasi 'yung sinabi sa akin ni Jennifer kanina nung natapos na ang klase namin.

"Brent?" Tawag sa akin ni Jennifer.

Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit. Bihira lang siya kumausap ng tao kaya nagtaka ako.

Napatingin ako sa kanya at hinintay siyang magsalita.

"Can you please stop this bullsh*t of yours?!" May diing sabi niya. Halatang may galit sa mga mata niya.

Literal na napalaki ang mata ko sa narinig. Hindi ko akalain na ito pala ang sasabihin sa akin ni Jennifer.

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

Napaayos siya ng tayo at halatang nagulat din siya sa sinabi niya.

Wala na ang iba naming ka-blockmates. Marahil ay naglu-lunch na sila sa cafeteria.

Halos kaming dalawa na lang ang natira rito sa loob ng classroom.

Si Crix at Wincel kasi ay may pupuntahan kaya sabay na silang lumabas kanina.

Inayos muna ni Jennifer ang kanyang salamin sa mata bago nagsalita.

"You don't deserve Wincel." Madiing pagkasabi niya.

Si Wincel pala ang pag-uusapan namin. Humugot ako ng lakas ng loob para magsalita.

"Tama ka. Hindi ko deserve ang tulad ni Wincel." Mahinang sambit ko.

Malamang, alam na niya ang nangyari kagabi. Mak'wento si Wincel kaya imposibleng hindi niya 'to malalaman.

Halos hindi ako nakatulog kagabi. Siguro dahil nakokonsensya ako sa mga pinag-gagagawa ko.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon