A/N: hohoho *_* beybe! narito na ang chapter 10.. Enjoy reading!
Chapter 10: His Parent
POV. Brent
"Ethan?" Gulat akong napatingin kay Ethan. Hindi ko alam na nasa likod ko siya.
Lumingon ako sa paligid, kami na lamang ang tao rito sa loob ng classroom. Nasaan na sila? Sina Drei at Van? Tsaka, bakit wala ang Prof.? ang mga ka-blockmates ko? Bakit walang klase?
Kinakabahan ako dahil bukod sa kami lang ni Ethan sa loob ng classroom ay baka ano pa ang maisipan kong gawin sa kaniya.
Aba! Kahit hapon na ay papatusin ko 'to, sayang ang opportunity at chances of winning.. Teka? Ano ba 'tong sinasabi ko? Sheymmsss naman!
"Relax! 'Wag kang maingay." Mahinang usal niya sapat lang upang marinig ko ito.
Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Bakit parang ang pungay ng mga mata ni Ethan? Teka? Lasing ba siya?
Unti-unting lumalapit sa akin si Ethan. Bawat galaw niya, napapalunok ako. Sheymmsss! Hindi ko alam ang gagawin.
Halos tumulo na sa sahig ang pawis na namumuo sa aking mukha at maging sa katawan.
Hindi ko maibaling ang tingin sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.
"'Wag kang matakot, Brent.." Mahinang bulong niya sa aking tainga.
"..ako lang 'to... Si Ethan, 'yung taong mahal mo." Sa gulat ay napatingin ako sa kaniya. Lalo lamang akong pinagpapawisan dahil hindi ko alam ang nangyayari.
Anong pinagsasabi nito? Bakit siya ganiyan? Alam na ba niya? P-paano niya nalaman?
Kinakabahan na talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin. Para akong isang pipi na hindi makapagsalita.
Nanlalabo na ang aking mga mata. Nagbabadya na ang mga taksil kong luha. Bakit?.. Paano?.. Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha.
"Shhh! Don't worry. Hindi ako galit sa iyo. 'Wag kang umiyak. Please." nag-aalala niyang sabi sa akin, kasabay nang pagpunas niya ng aking mga luha gamit ang kaniyang kamay.
"P-pero.. P-pa'no mo..." Naputol kong tanong.
"Hindi na mahalaga kung pa'no ko nalaman. Ang mahalga ay ikaw, tayo. 'Yun ang mahalaga, kaya 'wag ka na nag-iisip ng kung anu-ano. Ako na lang ang isipin mo." Nakangiti niyang tugon.
Idinikit pa niya ang kaniyang noo sa aking noo.
Napapikit ako. Pinakiramdaman ko ang mga nangyayari. Ang sarap sa feeling.
Hindi ko na mapigilan ang luha ko. At masasabi kong itong luha na 'to ay hindi luha na galing sa takot, kun'di luha ito galing sa sobrang tuwa. Tuwa na ang taong mahal ko ay narito sa aking harapan, inaamin na mahalaga ako sa kaniya.
Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Naaamoy ko ang pabango niya na kina-a-adikan ko. Para akong isang baliw na nangingiti. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Pinagmasdan niya ang mukha ko na tila kinakabisado ang bawat parte nito. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi. Tila nakukuryente ako sa tuwing magdidikit ang aming mga balat.
Tinitigan niya ako sa mata pababa sa aking labi. Mapungay na ang kaniyang mata at tila naghahabol ng hininga. Maging ako ay hindi na rin makahinga ng maayos.
BINABASA MO ANG
Pretending For You [boyxboy]
Fiksi Umum"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRETENDING TO BE A STRAIGHT MAN." -Brent Joseph Flores THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE...