Chapter 30

3.4K 129 11
                                    

A/N: Ang drama ko ngayon! Ewan ko ba. Hahaha! Happy reading!

Chapter 30: Ang Pag-iwas

POV. Brent

Ilang araw na rin akong umiiwas kay Ethan. Sa tingin ko, mag-iisang linggo na rin.

Kahit papaano sa pag-iwas ko ay nawawala ang kirot sa dibdib ko. Nabibigyan ko na rin ng oras ang sarili ko.

Hindi na rin ako umuuwi sa dorm. Sinasabi ko na lang na tinutulungan ko si Tintin sa mga projects and academics. Ngayon, pauwi na ako sa bahay.

Minsan ko na lang din makasama sina Wincel, Crix at Jennifer. Dahil lagi nilang kasama sina Ethan.

Minsan, bumibisita si Jason sa restaurant para kamustahin ako. Ipinakilala ko rin siya kay Tintin at tuwang tuwa naman ang bruha dahil may bago na naman kaming kaibigan.

Napahinto ako sa paglalakad. Tumunog kasi ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan.

From: Tintin

Josephine! Hindi ako makakauwi ngayong gabi. Nakalimutan ko ibigay 'yung susi ng bahay. Sorry. Umuwi ka na muna sa dorm niyo. Ingat ka! I love you. :) hehehe.. :p

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Halos makagat ko ang labi ko sa sobrang gigil sa kanya.

Sheymmsss! Nakakaasar!

Bakit hindi pa niya ibinigay ang susi kanina, nung kasama niya ako sa resto?!

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

Ayaw kong dito ako sa kalsada mawalan ng bait dahil sa inis kay Tintin.

Pa'no na ako nito? Pa'no ko siya iiwasan kung uuwi ako ngayon sa dorm?

Sheymmsss! Bigla kong naalala 'yung homework namin sa math! Kailangan ko ng libro. Naiwan ko pa naman 'yung libro ko sa bahay.

Patay ako nito. Hindi p'wedeng wala akong gawing homework. Bumuntong hininga ako. Kailangan ko ring magreview para sa exam namin bukas.

Wala na akong magagawa. Kailangan kong umuwi sa dorm.

Huminto ako at naghintay ng taxi. Malalim na ang gabi at halos wala kang makikitang tao sa paligid.

Nag-overtime kasi ako dahil maagang nag-out si Tintin.

Ewan ko ba du'n, focus daw muna siya sa pag-aaral. Napailing ako! Akala mo naman totoo!

Pumara ako ng may nakita akong taxi. Pagkatapos ay sinabi ko ang lugar at sumakay na.

Habang nasa biyahe, nararamdaman ko ang pagod. Pumikit ako upang kahit papaano ay mapahinga ko ang mga mata ko.

Hindi ko maiwasan isipin si Ethan. Siguro ang saya saya nila ngayon ni Crix.

Sana dumating na 'yung araw na nakamove on na ako, para kahit papaano, hindi na ako nasasaktan ng ganito.

Nang makarating na kami sa LU ay agad na bumaba ako pagkatapos kong magbayad.

Naglakad na lang ako papuntang dorm. Ayaw kong may iba pang makapansin sa akin.

Nang makalapit na ako sa pinto ng dorm ay parang may nakita akong tao. Tao na iniiwasan ko.

"E-ethan..." Mahinang tawag ko.

Kasama niya si Crix at mas lalong nadurog ang puso ko ng makita silang naghahalikan.

B-bakit dito pa? Sa labas talaga ng dorm? Binibiro ba ako ng tadhana?

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon