Chapter 19

3.2K 127 1
                                    

A/N: I hope you enjoy this chapter muahh!

Chapter 19: Warning!

POV. Wincel

Humihikab akong naglalakad papunta sa room. Medyo napuyat kasi ako kakaisip kay Brent kagabi.

Kahit na sinabi niyang okay na siya ay hindi pa rin ako mapalagay.

Parang kung anong nararamdam niya ay nararamdaman ko na rin.

At 'yung tungkol kay Crix, medyo naguguluhan pa rin ako sa nakita at narinig ko kahapon.

Nagkunwari na lang ako na walang narinig. Baka isipin niya napaka-tsismosa ko.

Pero kagabi nagtaka ako, noong pinagmasdan ko siya, lagi niyang hawak ang cellphone at medyo kakaiba ang inaasal niya.

Parang wala siya sa sarili. Laging tulala at malalim ang iniisip.

Napailing ako. Baka may problema lang siya?

Sabagay, lahat naman siguro ng tao may sikreto at hahayaan ko na lang siya ang magsabi sa amin kung mayroon man.

Hindi ko kasabay sila Jennifer at Crix. Maaga silang pumasok dahil may dadaanan pa raw silang notes sa isa namin ka-blockmates.

Ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon. Pinisil ko ang balat ko sa kamay upang mawala ang antok.

Malapit na rin ako sa room nang matanaw ko sa 'di kalayuan si Brent.

Bakit pumasok pa siya? Geez! Sinabihan ko na siya kahapon na 'wag munang pumasok.

Nang malapit na siya ay agad akong humawak sa braso niya.

"Ikaw? Sabi ko sa'yo 'di ba magpahinga ka! Bakit pumasok ka?" Nag-aalalang sabi ko sa kanya habang siya ay ngumiti sa akin.

"Okay na ako. 'Wag kang mag-alala." Simpleng sagot niya.

Napatango na lang ako at nagpatuloy na kaming maglakad papunta sa room. Wala naman akong magagawa dahil desidido talaga siyang pumasok.

Habang kami ay naglalakad, hindi maiwasan ang mga matang nakatingin sa amin.

May mga titig na halos matutunaw ka na lang at may mga nagbubulungan pa.

I'm sure, halos lahat ng estudyante rito sa LU alam ang nangyari kay Brent.

Napabuntong hininga ako. "Oh? Malalim 'ata ang iniisip mo?" Biglang tanong ni Brent.

Napanguso ako. "'Di mo ba napapansin na ang dami nang nakakakilala sa'yo?" Inis kong sabi.

"Hindi naman." Simpleng sagot niya sabay ngiting nakakaloko.

Hindi ko alam kung 'yan ang naging epekto ng gamot na itinurok sa kanya kahapon pero parang naging mas cute pa siya sa paningin ko ngayon.

Napangiti ako. "Tara na nga!" Pag-aya ko sa kanya sabay hila papasok sa classroom.

Pagpasok namin ay hindi pa rin natitigil ang mga bulong-bulungan. Sabagay, nakapagtataka nga naman na may mangyayaring masama, dito pa sa loob ng LU.

Ito siguro ang kauna-unahan na may nangyaring hindi maganda. Itong school ay respetado at kilala bilang isang madisipilinang eskwelahan kaya nakapagtataka lang.

"Ano na naman ang iniisip mo?" Curious na tanong ni Brent sa akin sabay kurot sa pisngi ko.

"Naisip ko lang kung bakit nangyari sa'yo 'to? I'm sure wala ka namang kaaway." Sagot ko sa kanya at naupo na kaming dalawa.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon