Chapter 4

3.9K 160 16
                                    

AN: Waaaahhhh Chapter 4 na po ... Enjoy Reading *_*

-----------------------------------

Chapter 4: Hiling

Nagising ako sa isang pamilyar na tunog.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ito. "Hello?" inaantok kong tugon.

"Hoy! Josephine, Hindi mo man lang ako tinawagan kahapon. Anong ginawa mo ha? Pinatay mo pa ang phone mo. Nakakaasar ka!" galit na sabi ni Tin

"Sorry, marami lang akong iniisip. Sasabihin ko na lang sa iyo pag-nag-kita na tayo." Paliwanag ko at inaalala ang mga nangyari kahapon.

Matapos kong makapagdesiyon na itago ang tunay na ako, hindi ko na alam ang mga nangyayari sa aking paligid.

Ang tanging alam ko lang ay ka-blockmates ko sina Van, Drei at Ethan sa last subject. Maging sina Jennifer, Crix at Wincel ay ka-blockmates ko din.

Umuwi ako sa dorm na walang taong kinakausap. Nagtataka na nga si Wincel sa mga ikinikilos ko ngunit pinag-sa-walang-bahala ko na lang ito.

Sinabi ko na lang na masama ang aking pakiramdam. Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto at natulog. Hindi na nga ako nakakain ng dinner.

"HELLO! JOSEPHINE? Nakikinig ka ba?" natigil ako sa pag-alala ng nangyari kahapon dahil sa sigaw ni Tin mula sa cellphone na aking hawak. Kausap ko pala ito. Lutang na naman ako.

"Ah! oo tama ka." Sagot ko na lang kahit hindi ko alam ang pinag-u-usapan.

"HAHAHAHAHA" natatawa siya sa sagot ko. "Bakit ka natatawa dyan?" nalilito kong sabi sa kaniya.

"Sabi ko kasi hindi ka na VIRGIN at nakikipags*x ka kagabi kaya hindi mo ako natawagan. Tapos sabi mo pa na tama ako. HAHAHAHA!" literal na lumaki ang mata ko sa sinabi niya at napatayo pa ako.

Tinignan ko ang katabing kama, wala si Ethan at tulog pa sina Drei at Van.

"Letche ka. Hindi 'noh? Ewan ko saiyo kung anu-ano ang iniiisip mo. Puro ka talaga kalokohan. Sige na ibaba ko na ito. Take care I love you.'' Ani ko.

"Inosente lang? Sige, Ingat ka din I love you too. Mag-k'wento ka ha!" at binaba na din niya ang tawag.

Ginawa ko ang aking morning routines at lumabas na ng kwarto. Alas siyete na nang umaga kung kaya't maghahanda na ako ng kanilang almusal.

Bakit kaya wala si Ethan? Saan kaya nagpunta iyon sa ganitong kaagang oras?

Nagtungo ako sa kusina at may nakita akong isang lalaki.. AYY hindi pala ... Isa pala siyang Greek God! Literal na lumaki ang mata ko at nag-init ang aking mga pisngi..

Si Ethan ay nagluluto na ang tanging suot lamang ay isang denim short. Wow! Likod pa lang ulam na. Paano pa kaya kung makita ko pa ang harapan. Sheyyymmss umaatake ang malikot kong isipan. Pinagnanasaan ko ba siya? Shocks naman ohh!!

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon