A/N: Paalala! Ang Chapter na ito ay medyo mahaba. Sinipag kasi ako. Hahaha! Enjoy reading beybe..
Chapter 11: Dinner Date?
POV. Ethan Klyde Lavigne
To: My Angel <3
'Yung dinner natin mamaya ha? I will wait for you. Sigurado ka na ba na hindi na kita susunduin after class ko? I will fetch you?
Text ko kay Crix habang nakaupo dito sa sofa ng dorm. Maaga kasi ang pasok nila at ako mamayang hapon pa.
From: My Angel <3
It's okay kaya ko naman magdrive mag-isa. Magkita na lang tayo sa restaurant. :)
Reply niya. Ang alam ko kasi ay sasamahan niya muna si Tita magpacheck-up dahil may hypertension ito at pagkatapos ay didiretso na siya sa restaurant kung saan kami magdidinner.
To: My Angel <3
Okay, I love you. Take care .. ;) <3
Nakangiti kong reply. Minsan naisip ko, para akong baliw, baliw sa kaniya. Hahaha!
From: My Angel <3
Sige na. :) mamaya na lang tayo magtext.. Nandito na ang Prof. namin. Magkita na lang tayo mamaya.. :)
I can't hide my feelings. Napailing ako at halos mapunit na ang mukha ko sa sobrang pagkakangiti. Kilig ba 'to? Sh*t nakakabakla naman.
"Hoy Bro! Ano 'yan?" Bulyaw na tanong ni Drei.
"Katext ko si Crix. Sabay kami magdidinner mamaya." Nakangiting sagot ko.
"Hahahaha! Putcha bro! Mukha kang timang sa ngiti mo!" Natatawa niyang sabi. Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi nito?
"Sige magpakasaya kayo pero tandaan mo 'to 'wag kang iiyak sa kaniya. Mahalin mo muna sarili mo. Okay?" Makahulugang pahayag niya.
Naguguluhan ako. Anong mayroon kay Drei? Hindi naman siya ganyan. Tska magdidinner lang naman kami ni Crix, anong masama dun?
Tinitigan ko siya! Seryoso pa rin ang mukha niya!
"Aalis nga pala ako tutal mamaya pa naman ang pasok natin. Si Van nasa library 'ata, nagbabasa." Aniya.
"Hindi ko tinatanong bro. Hahaha!" Natatawang asar ko.
"Makaalis na nga! Basta tandaan mo mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba." Naasar niyang sabi at umalis na rin.
Tinawanan ko na lang siya. Hindi talaga bagay sa kaniya ang mag-seryoso. Mukhang busted eh. Hahaha!
Ako na lang pala ang mag-isa dito sa dorm. Si Van, lagi naman nasa library 'yun. Mataas kasi ang expectation ni Tito sa kaniya. Mabuti na lang si Dad kahit na strict siya eh hindi niya ako pine-preasure.
Napangiti ako, bigla ko kasing naalala si Brent. Nakakatuwa na kahit sa saglit na panahon silang nagkakilala ng parents ko ay ganu'n na lang sila ka-close.
Napalapit na rin ako sa kaniya. Masasabi kong mahalaga siya dahil para ko na rin siyang kapatid tulad nila Van at Drei.
Nakakatuwang isipin na napakatatag niyang tao. Kahit na wala siyang magulang ay mag-isa niyang hinaharap ang mga problema.
BINABASA MO ANG
Pretending For You [boyxboy]
General Fiction"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRETENDING TO BE A STRAIGHT MAN." -Brent Joseph Flores THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE...