Chapter 29

3.4K 136 10
                                    

A/N: Happy reading!

Chapter 29: Paano na ang puso ko?

POV. Brent

Everything happens for a reason.

Siguro nga, ito ang kapalaran ko. Minsan naiisip ko, bakit nga ba ako nandito?

Ah! Para mag-aral, para maiahon ko ang sarili ko sa hirap ng buhay at kaya nga ako pumasok dito sa LU dahil ipinangako ko sa magulang ko na magiging maganda ang kapalaran ko rito.

Bumuntong hininga ako habang iniisip ang dahilan kung bakit nga ba ako napunta sa lugar na 'to!

Kagabi ay agad akong nagpaalam kay Prof. Vescala na kung p'wede ay 'wag ko ng tapusin 'yung show.

Pagkatapos kasi ng ginawa namin ni Ana sa stage ay nakaramdam ako ng hiya. Nakita ko pa kasi si Ethan na nanonood pala sa akin.

Hindi ko alam kung bakit siya titig na titig sa akin, pero dahil do'n lalo akong nag-init sa pagsasayaw.

Hindi ko rin nakita si Crix na kasama ni Ethan kagabi kaya siguro mas pinagbuti ko ang pagpeperform.

Mabuti na lang at naniwala si Prof. na masama talaga 'yung pakiramdam ko.

Hinatid ko naman sina Ana at Jessica sa sakayan ng taxi. Maaga rin kasi silang pinapauwi ng magulang ni Jessica.

"Sheymmsss." Mahinang sabi ko.

May kasalanan nga pala 'tong si Tintin sa akin. Nako! 'Pag nakita ko talaga 'tong bruhang 'to malalagot talaga siya!

"Here's your food." Nakangiting sambit ni Wincel habang inilalapag sa table ang pagkain ko.

Sabi ko sa kanya ako na lang mag-oorder kasi mahaba ang pila. Sina Ethan, Van at Drei naman ang umorder kina Crix, Jennifer at Sheena.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Ang weird lang na siya pa ang nagdala ng pagkain ko rito.

Andito kami ngayon sa cafeteria. Sabay-sabay kaming nag-lunch. Hindi ko nga alam kung bakit nakasama pa ako rito eh.

Katatapos lang ng klase namin at biglang nag-aya sina Wincel at Crix na kumain dito. Wala kaming nagawa ni Jennifer kun'di sumunod.

Umupo na sina Van, Drei at Ethan dala ang mga pagkaing in-order.

Katabi ko si Ethan dito at ang kaharap ko ay si Wincel. Si Ethan kaharap si Crix. Si Drei naman kaharap si Sheena, at si Van kaharap si Jennifer.

Parehong tahimik sina Jennifer at Van. Siguro mas gusto nilang tahimik kumain.

Si Drei na kinukulit si Sheena. Sina Ethan at Crix na hindi napapagod kakangiti sa isa't isa.

"Wui! Kain ka na!" Biglang saad ni Wincel.

Tumango ako sa kanya at aktong susubo na nang...

"Here, kulang pa 'yang pagkain mo. I'm sure gutom ka na." Seryosong sabi ni Ethan, sabay lagay ng pagkain sa plato ko.

Napangiwi ako. Hindi ba siya naiilang sa ginagawa niya? Nandito sila Crix, tapos...

"Ah, Brent! Ito rin, masarap 'to." Agad na sabi rin ni Wincel habang inilalagay ang pagkain sa plato ko.

Ano ba ako rito? Baboy? Patabain?

Bumuntong hininga ako. Sumubo na ako ng pagkain at hindi na lang sila pinansin.

Kailangan maubos ko 'to at pagkatapos ay didiretso na ako sa restaurant.

"Cheers tayo! Para sa mga kaibigan natin na nanalo! Para kay Brent na nanalo kahapon sa talent show at kay Ethan na nanalo sa puso ni Crix." Malakas na sabi ni Drei at hindi inintindi ang mga taong narito sa cafeteria.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon