Chapter 38

3.4K 128 21
                                    

A/N: Here's an update. Salamat sa mga naghihintay. Enjoy! Hehehe!

Chapter 38: Martin Bartolome

POV. Martin/Tintin

Inayos ko ang porma ko. Ripped jeans at simpleng tshirt ang suot ko ngayon. Hindi naman ako kabastos-bastos noh! I just want to be beautiful. Pero hindi na yata kailangan 'yon.

"Because, I'm perfect." Proud kong sabi sa sarili. Napangiti ako. Ang ganda ko talaga.

"Hoy! Sasakay ka ba o hindi?!" Sigaw ni Manong sa akin.

Naiinis akong tumingin sa kanya. "Heto na nga Manong 'di ba." Napairap kong saad.

My gosh! Hindi ba siya marunong maghintay. Padabog akong sumakay sa taxi. Dala-dala ko ang malaki kong maleta.

Kaunti lang naman ang dala ko pero, ewan ko ba... Sa sobrang pagka-excited ko halos dinala ko na ang lahat ng gamit ko.

Natawa ako sa naisip. "I'm sure matutuwa si Josephine na makita ako. Hihihi! Ano kaya magiging reaksyon no'n?" Natatawa kong pagkausap sa sarili.

Hindi sinasadyang napatingin ako kay Manong. Umiiling-iling itong nagmamaneho.

Napakunot noo ako sa kanya. Tsk. 'Di na lang magdrive. May problema 'ata 'to sa akin eh!

Nagcross arms ako at nanahimik. Umusod ako sa may gilid, malapit sa bintana.

Titingnan ko na lang ang daan kaysa intindihin si Manong. Siguro, iniisip nitong nababaliw ako.

Hmmp! As if naman!

Huminga ako ng malalim para maiwasan ang stress.

Hindi ako pinapasok ni boss Ann ngayon araw. Ang sabi kasi niya ay bantayan ko si Josephine dahil nga may sakit ito. Pero, feeling ko hindi ako magbabantay eh!

Mukha kasi akong bakasyunista sa lagay kong 'to. Kinuha ko ang shades ko na nakasuksok sa damit ko. Sinuot ko ito na akala'y mataas ang sinag ng araw. Hahaha!

Nang makarating ako rito sa LU ay iniabot ko agad ang bayad. "Oh heto Manong, keep the change." Nakangiti kong sabi at natuwa naman si Manong dahil may pang softdrinks daw siya.

Taas noo akong bumaba ng taxi pagkatapos ay binitbit ni Manong ang maleta ko palabas ng taxi niya.

Inilapag niya ito sa aking kinatatayuan. "Thanks." Sabi ko at agad na siyang umalis.

Inilibot ko ang paningin sa buong University.

"Wow!" Manghang saad ko at halos napanganga ako sa mga nakikita. Gosh! 'Di ko expect na sobrang lawak nito. Huhuhu! Naiinggit tuloy ako.

Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Karamihan pala ng narito ay babae, pero bakit kunot noo silang nakatingin sa akin?

Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa? I want to raise my right eyebrow, but I can't! Tinanggal ko ang shades ko at isinuksok ulit sa aking damit.

Humawak ako sa aking baywang at tinitigan silang mabuti. Naramdaman kong parang hindi sila natinag sa ginagawa kong pagtitig!

Pinanlakihan ko sila ng mata at tinaasan ng kilay. Bigla tuloy silang nailang. Hahaha! Kala mo! Ganda ka?

Napairap ako at maglalakad na sana nang....

"Ouch!"

"Geez!"

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon