Chapter 1

5.9K 192 32
                                    

A/N: Pagpasensyahan na po ang wrong grammar, maling paggamit ng punctuation marks etc. Yung picture po ay pagpalagay na natin na LAVIGNE UNIVERSITY. Thank you po. Eto na ang Chapter 1. Enjoy reading.

-------------------------

Chapter 1: Lavigne University

“B…bye Josephine” maluha-luhang usal ni Tin habang papalabas na kami ng bahay.

Dala ko ang mga gamit ko dahil ngayong araw na ako titira sa dormitoryo ng Unibersidad na aking papasukan. Ang LAVIGNE UNIVERSITY.

Wag ka ngang OA. Hindi naman ako sa malayong lugar pupunta 'noh! Tsaka may cellphone na ako tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka at I’m sure madami akong ichichicka sayo.” Natatawa kong pagpapaliwanag sa kaniya.

‘’Bakit naman kasi nag-apply ka pa ng scholarship at nag-transfer d'yan sa school na yan mag-fo-fourth year na tayo. Isang taon na lang graduate na tayo. Sabagay, nandu'n nga pala 'yung superman of your life kaya iiwan mo na ako.” Malungkot na wika niya at may pangongonsensiya pang kasama.

Tinapik ko siya sa braso. “Sabi ko naman sayo 'di ba, kaya ako papasok du'n kasi napakalaki ng opportunity ang ibibigay nila sa akin at I’m sure na kapag nakagraduate ako sa University na iyon marami rin akong magandang maaaplayan. Pinangako ko rin kay Inay na mas lalo kong pagbubutihan ang pag-aaral at para makapaghanap na rin ng maayos na trabaho. Sa tingin ko ito na iyon so bakit ko pa sasayangin 'di ba?"

Bago namatay si Inay dahil sa sakit sa puso. Nangako ako sa kaniya na pagbubutihin ko pa ang aking pag-aaral at maghahanap ng magandang trabaho na mag-aangat sa akin sa kahirapan.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. “Alam kong may iba pang dahilan kung bakit ka nag transfer kaya 'wag ka na maglihim. Hahaha.” aniya at natatawa pa ang bruha.

Oo na. Oo na. Gusto ko lang malaman kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya. 'Pag naririnig ko palang ang pangalan niya mas lalo akong nagiging interesado sa kaniya." Pagsuko ko na naaalala pa 'yung nangyari sa amin noong nakalipas na tatlong taon.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon