Chapter 33

3.6K 127 4
                                    

A/N: Hayyyyyyyyyyyyyyyyy! 'Yun lang hehehe! Happy reading muah!

Chapter 33: Worried

POV. Brent

"Hoy Josephine!" Bulyaw sa akin ni Tintin.

Nandito kami ngayon sa bahay dahil maaga kaming nag-out sa resto. Sa tingin ko mga apat na oras lang kaming nagduty, maaga rin kasi nagsara ito dahil aalis si Boss Ann.

Tumingin ako kay Tintin dahil panay ang hila niya sa braso ko. "Tintin?!" Naiinis kong sambit.

Nandito kami sa may sala ng bahay. Nanonood ng movie, pero parang hindi rin. Hindi ko naman kasi naiintindihan 'yung mga scenes. Ewan ko lang dito sa katabi ko.

Ang dami kasing sumasagi sa isipan ko. Mga bagay bagay na tulad na lang nung kahapon. 'Yung mga weird na ikinikilos ni Ethan.

"Josephine!" Tawag ulit sa akin ni Tintin at yumakap pa. Hindi talaga titigil 'to hangga't hindi pinapansin eh!

Sheymmsss! Papansin talaga.

"Ano ba 'yun?" May kailangan siguro 'to kaya siya ganyan. Sumimangot ako sa kanya.

Umayos siya ng upo at nakangiting tumingin sa akin.

"Gusto ko matulog sa dorm niyo." Agad na sabi niya at nagpacute pa.

Literal na lumaki ang mata ko at napanganga ako sa narinig. "Ano ulit 'yun?" Pag-uulit ko.

Lalong lumawak ang ngiti niya.

"Sabi ko, gusto kong matulog sa kama mo! Doon sa may dorm niyo sa LU! Sige na..." Makulit niyang sambit at mas lumapit sa akin.

Ikinikiskis niya ang gilid ng ulo niya sa balikat ko. Akala mo naman pusa 'to!

"Pag-iisipan ko." Walang ganang tugon ko.

Umayos ulit siya ng upo. "Yes! Tabi tayo ah!!" Masayang pahayag niya.

Napangiwi ako. Sheymmsss! Mukhang mali 'ata na isama ko siya sa dorm.

"Kailan ba? Gusto ko mamaya o bukas!" Agad na desisyon niya.

Tinulak ko nga. Nalaglag siya sa sahig pero agad ding bumalik sa tabi ko. Kulit talaga!

"'Di ba ang sabi ko pag-iisipan ko pa, dahil hindi lang naman ako ang nakatira roon." Naiiritang sambit ko.

Kumandong siya sa akin. Napangiwi ako at agad ko ulit siyang tinulak. Mas malaki pa siya sa akin tapos kakandong pa sa akin.

Naiinis siyang umupo ulit sa tabi ko. Muntik na akong matawa dahil narinig kong lumagapok ang p'wetan niya sa sahig. Buti na lang mapagpigil ako.

"Aray ko naman Josephine! Kanina ka pa ah!" Naiinis niyang sabi.

Itinaas ko agad ang kamay ko na parang sumusuko sa kanya. Ayaw kong lumaban sa kanya, matatalo lang ako.

Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Napangiti ako, bukod sa hindi na niya naalala ang ginawa kong pagtulak ay  napakasweet talaga niya.

Kaya nga nakakapagtaka na wala pa siyang boyfriend eh!

"Hoy, Tin may boyfriend ka na ba? Sabihin mo nga sa akin 'yung totoo?" Napakunot noo kong tanong sa kanya. Baka naglilihim lang 'to!

Ngumisi siya sa akin na parang may ibang iniisip.

"Alam mo, dalhin mo muna ako sa dorm niyo at ipakilala sa mga boylet do'n at nang magkaboyfriend na ako!" Natatawa niyang sagot sa akin.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon