Chapter 50

3K 105 7
                                    

A/N: Hello everyone! I'm so much thankful dahil nakaabot tayo rito sa chapter na 'to. Enjoy!

Chapter 50: Judgement

POV. Ethan

Napatitig ako kay Brent. He's obviously nervous. Pupunta kasi kami sa parents ko para ipaalam ang relasyon namin.

Ayaw kong itago sa kanila si Brent, ayaw kong itago 'yung relasyon at pagmamahal ko sa kanya.

"E-Ethan?" Nauutal na tawag sa akin ni Brent.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa kanyang noo. "'Wag ka ngang matakot. Kasama mo naman ako eh! Dalawa tayong haharap sa kanila." I assured him.

"Pero... Natatakot ako. B-baka hindi nila matanggap na ako 'yung karelasyon mo ngayon." Nakayuko niyang sabi.

Iniangat ko ang mukha niya. Inayos ko ang buhok nito at nagsalita. "Kung puro takot ang paiiralin mo mahal, pa'no natin malalaman ang kasagutan sa katanungan mo?" Pagsasalita ko.

Tumango siya sa akin at tinitigan ko siya sa kanyang mata. "At saka kung sino ang mahal ko ay mamahalin din nila Dad at Mom, kaya 'wag kung anu-ano ang iniisip mo." Ngumiti ako at dahan dahan din siyang napangiti.

"I love you." Aniya at napakagat siya sa kanyang ibabang labi.

Oh God! He's very beautiful!

Hindi ko mapigilan ang sarili na halikan siya sa kanyang malambot at matamis na labi.

Our kiss deepen by our love and passion. Halos mapaungol ako sa sobrang sarap sa pakiramdam.

Grabe! I can't explain my feelings towards to him.

Ilang sandali ay humiwalay na ako sa halikan namin. Bigla akong napangisi dahil kita ko sa kanyang mukha na nabitin siya.

Pulang pula na tuloy ang mukha nito at laglag ang balikat na tumingin sa akin.

Hindi ko pinahalata na natawa ako sa naging reaksyon niya pero mukhang wala akong matatago rito sa taong mahal ko.

Tinulak niya ako at halatang nainis dahil gusto na niyang lumabas sa kwarto. Buti na lang humarang ako dito sa pintuan.

"Ethan!" Naiinis niyang saad pero hindi ko siya pinakinggan.

Agad ko siyang niyakap at kahit pilit siyang kumakawala sa bisig ko ay hindi ako nagpadaig. "I love you more than you even know, Brent. You're my life." Bulong ko sa tainga niya.

Napahinto siya at yumakap pabalik. Napangisi ako. Hindi ko akalain na magiging ganito ako sa kanya.

"Tara na nga! Baka hinihintay na tayo ng parents mo." Nakangiti at namumula niyang saad.

Kinurot ko ang pisngi niya at hinila na siya palabas ng kwarto. Hawak hawak ko ang kamay niya at kinuha ang ilang gamit niya.

Sa bahay na rin kasi kami matutulog. Para na rin makapagbonding siya with my parents.

Ilang sandali lang ay napatigil si Brent sa paglalakad. Sandali ko siyang tinignan.

"Sa'n kayo pupunta?" Curious na tanong ni Brent.

Tinignan ko ang taong tinanungan niya at sina Van at Drei ang mga ito. Napakunot ang aking noo.

Bihis na bihis kasi ang mga ito. Sa pagkakaalam ko kami lang ang aalis ni Brent dito sa dorm ah?

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon