Chapter 17

3.2K 133 6
                                    

A/N: Waahhh!! Chapter 17 na po!! Hihihi! Enjoy reading...

Chapter 17: All I Ever Need

POV. Brent

Makalipas ang dalawang linggo ay naging mas close kami ni Wincel. Naipaliwanag ko na rin sa kanya nung nakaraan kung bakit ako halos napatili.

Ang sabi ko na lang ay sa sobrang higpit nang yakap niya, hindi na ako makahinga.

Mukha naman siyang naniwala kaya hindi na rin naman namin napag-uusapan pa.

Lagi kaming magkasama nitong mga nakaraang araw at kung minsan ay nakakasama ko na rin sina Crix at Jennifer.

Si Tintin naman ay naging busy na sa studies niya kaya kapag pumupunta si Wincel sa restaurant ay hindi man lang sila nag-aabot.

Sina Drei at Van naman ay gano'n pa rin sa akin. Nagbo-bonding, kapag walang magawa sa dorm. Tulad ng panonood ng mga action movies, do'n kasi sila mahilig.

At si Ethan, si Ethan na hindi ako minsan pinapansin.

Napailing ako at bumuntong hininga. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya.

Palagi na siyang nakasimangot at iritado. Kapag kinakausap ko naman siya sa tuwing kaming dalawa lang ay okay naman siya.

Pero kapag darating na si Wincel o kasama ko si Wincel parang nag-iiba na ang ugali.

Natatawa nga si Drei sa kanya dahil baka raw nagsselos 'to.

Sabagay, hindi niya kasi masyadong nakakasama si Crix dahil busy ito sa pag-sama sa mommy niyang may sakit, kaya siguro nasabi ni Drei 'yon kay Ethan.

Nandito ako ngayon sa sofa. Hawak ko ang makapal at mukhang lumang libro.

Babasahin ko sana pero hindi ko nagawa. Hindi kasi mawala sa isip ko 'yung mga kakaibang kilos ni Ethan.

Monday ngayon, kaya mamaya pang hapon ang pasok namin. Malapit na rin ang talent show namin. Mabuti pa si Ethan kahit hindi na magpractice ay magaling pa din.

Kabisado na rin naman namin ni Ana ang galaw ng isa't isa at 'yung mga stunts na gagawin. Konting practice na lang at magagawa na namin ito ng mas maayos at mas maganda.

"Sabay ka sa amin pumasok mamaya ha?" Nakangiting tanong ni Ethan.

Nabigla ako dahil umakbay siya sa akin. Ang lapit tuloy ng mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko na rin ang pabango niya, lalaking lalaki talaga.

"Ha? Ah sige." Naiilang na sagot ko.

"Lagi mo na lang kasi kasama si Wincel. Wala ka ng time sa akin..." Sabi niya at napalingon ako sa kanya.

"Ang ibig kong sabihin ay sa amin nila Drei at Van." Agad na sabi niya. Napaayos pa siya ng upo.

"Ah.. A-ano kasi.. Si Wincel." Nauutal na sabi ko. Sheymmsss! Pa'no ko ba sasabihin sa kanya?

Napasimangot siya. "Ayan! Puro ka na lang kasi Wincel. Hindi naman ako ganyan kay Crix ah! May time naman ako sa inyong mga kaibigan ko." Pahayag niya.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon