Chapter 5

3.5K 155 22
                                    


A/N: Enjoy Reading *_*

Chapter 5: Tutor?

"Brent?.. Gising!" Pag-gising ni Drei sa akin at kinakalabit pa ako.

"Brent?" Tawag ni Van.

Hmmm... ano bang meron? Inaantok pa ako eh. Late na kasi kami nakauwi ni Wincel kagabi. Ang dami namin napag-usapan.

Dahil doon ay nabawasan ang aking lungkot at nadagdagan pa ang aking kaibigan.

Napapangiti na lang ako 'pag naiisip na ang daldal niya at puro kalokohan pero ang cute niyang tignan dahil para siyang isang manika o mas tamang sabihin na bata.

"Buhusan kaya natin ng tubig para magising?" Tanong ni Drei kay Van at dahil du'n dumilat ako.

"Hindi na kailangan." Mabilis kong sambit at pilit bumangon sa aking kama.

"Ikaw ah? Saan kayo nagpunta ni Wincel? Anong oras ka na nakauwi ah? Naku! May Tintin ka na may Wincel pa. Lakas mo sa chicks bro." Natatawang wika ni Drei.

Hindi ko na lang sila sinagot at ngayon ko lang napansin na pareho silang naka-business suit.

"Saan kayo pupunta? Bihis na bihis ah?" Tanong ko sa kanila.

Lumingon ako sa kwarto. Teka, bakit wala si Ethan. Saan na naman 'yon nagpunta?

"We have business meeting to attend to. Our both parents were busy that's why we decided to replace them temporarily." Seryosong sagot ni Van.

Sanay na ako sa pagiging seryoso ni Van at napatango na lang ako sa kaniya.

Niligpit ko ang aking kumot at inayos ang higaan.

"Why so serious bro? Hahaha!" natatawang sabi ni Drei kay Van.

"Una na ako sa kotse Drei, sumunod ka na agad." Habilin ni Van kay Drei at tumango na lang ito sa akin bilang pag-pa-pa-alam.

Lumabas na ito sa kwarto at naiwan si Drei na nag-aayos pa ng kaniyang neck tie.

"By the way, si Ethan pala ay umalis rin. Bumili siya ng gitara mag-pra-praktis daw siya sa talent show ninyo. Ikaw? Meron ka na bang na praktis?" tanong ni Drei sa akin.

"Actually, wala pa. Maghahanap pa ako ng partner ko, baka sumayaw na lang ako." sagot ko at dumiretso na sa banyo.

Naisip ko kasi na sumayaw na lang tutal 'yon naman talaga ang talent na maipagmamalaki ko. Magpapatulong na lang ako kay Tin para humanap ng magandang ipeperform.

"Ganu'n ba? Goodluck sa inyo ni Ethan. Iyan kasi, sa susunod 'wag na magbulungan ha? Share niyo na lang sa amin. Hahahaha! Sige, Una na kami!" malakas na sambit ni Drei at halata mong natatawa ito. Kinatok pa ang pinto ng banyo bilang pag-pa-pa-alam.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon