Chapter 46

2.7K 95 3
                                    

A/N: Update ulit. Hehehe! Medyo ginanahan lang dahil narealize kong malapit nang mag-one year itong pagsusulat ko. Anyway, enjoy this chapter. Hahahaha!

Chapter 46: Coldness

POV. Ethan

"Love is something that's hard to explain but it's always enduring and forgiving." 'Yan ang sinabi sa akin ni Brent na talagang tumatak sa isipan ko.

Napangiti ako. Kahit na ginawan siya ng masama ay hindi pa rin nagbabago ang ugali niya. Marunong pa rin siyang magpatawad at umintindi ng sitwasyon.

Nandito kami ngayon pababa ng eroplano. Hawak ko ang dalawang maleta at siya naman ay isang backpack bag na naglalaman ng pasalubong niya sa mga kaibigan namin.

"Ethan, kinakabahan ako." Nakanguso niyang pahayag. Natawa tuloy ako dahil sa itsura niya. He's very cute.

Mahina niya akong kinurot sa tagiliran. "Anong tinatawa tawa mo d'yan ha?" Asar niyang saad.

Huminto ako at hinila ko siya para mayakap ng sobrang higpit. Alam ko kasi na kapag lumabas na kami rito ay bihira ko na 'to magagawa. Ayaw pa kasing ipaalam ni Brent ang tungkol sa relasyon namin.

Yumakap rin siya pabalik. "Brent, mahal? Don't worry, hinding-hindi kita hahayaang masaktan ulit. I will protect you for the rest of my life." Seryosong pahayag ko at hinalikan siya sa kanyang noo.

"Alam ko naman 'yun Ethan. Kinakabahan lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin kay Tintin." Nag-aalala niyang tugon.

"Mahal, wala ka namang ginawang masama. 'Wag kang mag-alala, sasamahan kita sa kanya para magpaliwanag. Okay?" Pagcocomfort ko.

"Thank you, Ethan." Pagpapasalamat niya sa akin at nabigla ako nang halikan niya ako sa labi.

Kahit sandali lang ang halik niya ay parang nandito pa rin ang labi niya sa labi ko.

Napangisi ako. Ninakawan niya ako ng halik ng ganun-ganon lang? Hindi ako papayag. Mamaya ka sa akin.

Napailing ako sa naiisip, baka mawala na naman ako sa sariling katinuan.

Bumuntong hininga ako. "Let's go?" Saad ko at dumiretso na kami papalabas.

Nakita ko kaagad si Drei na prenteng nakasandal sa kotse habang hinihintay kami.

Halos lumuwa na rin ang mata niya sa kakatitig sa mga babaeng dumadaan. Tss. Kahit kailan talaga. Napailing ako at lumapit na kami ni Brent sa kanya.

Mabuti na lang at tinawagan ko siya kahapon para sunduin kami rito sa airport. Maaasahan talaga 'tong si Drei.

Ilang sandali lang ay napansin niya kami ni Brent. Abot tainga ang ngiti niyang lumapit sa amin.

"Bro, long time no see." Bulyaw sa akin ni Drei at hinampas pa ako sa ulo. Nakita ko pa si Brent na nagulat dahil sa ginawa ni Drei.

Sh*t! That face. Imbes na magalit ako kay Drei dahil sa ginawang paghampas niya sa akin ay napangiti ako. I want to kiss Brent because he's worried for me.

"Bro, ano kamusta? Parang gusto kong pumunta ngayon sa Italy." Makulit na wika ni Drei.

Humarap ako sa kanya at ibinigay ang isang maleta. "Ilagay mo na 'yang maleta sa kotse." Walang gana kong sabi sa kanya.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon