Chapter 6

3.4K 150 7
                                    

A/N: Here's Chapter 6 *_*.. Enjoy Reading!

Chapter 6: Andrei's Point of View

POV. Andrei Young

"Bro, alis na muna ako. Bibili lang ako ng gitara na gagamitin ko para sa talent show." Paalam ni Ethan sa amin ni Van.

Katatapos ko lang maligo at ngayon ay nagbibihis na ako. Si Van naman ay nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin. Nauna kasi siyang maligo. Excited kasi sa meeting.

"Sige, ingat. Baka hapon na kami umuwi ni Van." sabi ko habang patuloy na nag-aayos ng buhok si Van.

Tumango na lang si Ethan at lumabas na ng kwarto. Lumapit ako sa aking kama na kung saan nakalagay ang aking business suit. Kinuha ko ito at isinuot.

"Panigurado maraming chicks du'n Van. Hahaha!" Natatawang usal ko kay Van habang nagbibihis.

"You should know why we are supposed to attend that meeting. Okay?" Seryoso niyang sambit.

"Easy bro. Alam ko naman 'yun." Ani ko at itinaas pa ang aking kamay na parang sumusuko.

Napatango na lang si Van. Napansin ko si Brent na hanggang ngayon ay natutulog pa sa kaniyang kama.

"Van? 'di ba maaga ang pasok ni Brent ngayon?" tanong ko kay Van.

Napalingon si Van kay Brent. "Just wake him up, malalate 'yan sa first class niya." Nag-aalalang usal ni Van.

Lumapit ako kay Brent. Habang pinagmamasdan ko siyang natutulog ay hindi ko maiwasang mainggit. Kakaiba kasi ang ka-gwapuhan nito.

Ang ganda ng kutis niya at ang kinis hindi tulad sa akin. Para nga siyang babae kung hindi lang 'to may ka-tawagan na chicks sa cellphone nung nakaraan, napagkamalan ko na 'tong bakla eh. Hahaha ang bitter ko naman.

"Brent?.. Gising!" Paggising ko at kinakalabit pa siya. Hindi man lang 'to nagigising.

Lumapit si Van sa amin. "Brent?" sabi ni Van.

Napuyat siguro 'to kagabi. Ano kaya ang ginawa nila ni Wincel? Napatingin ako kay Van.

"Buhusan kaya natin ng tubig para magising?" Ani ko at dahil dun bigla siyang dumilat. Hahahaha! Ang epic ng mukha niya.

"Hindi na kailangan." sambit niya at pilit siyang bumangon sa kama.

"Ikaw ah? Saan kayo nagpunta ni Wincel? Anong oras ka na nakauwi ah? Naku! May Tintin ka na may Wincel pa. Lakas mo sa chicks bro." natatawang usal ko.

Idol ko na talaga 'tong si Brent. Ang daming babae sa buhay. Hindi niya ako sinagot at tumingin siya sa amin na nalilito.

"Saan kayo pupunta? Bihis na bihis ah?" Nagtataka niyang tanong sa amin at lumingon-lingon siya sa paligid. Hinahanap niya siguro si Ethan.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon