Chapter 13

3.4K 127 2
                                    

A/N: Enjoy reading.

Chapter 13: Dance Practice

POV. Wincel

Napalumbaba ako mula sa aking kinauupuan habang nakatingin kay Brent.

Nakatulala siya at halatang may iniisip. Minsan ay nangingiti tapos iiling-iling na parang may nakakatuwang pangyayari sa harapan niya.

Napakunot noo na lang ako. Siguro, marami lang siyang iniisip kaya siya ganyan.

Hindi ako makapag-focus sa Professor na nasa harapan. Nadidistract ako. Nakikita ko na kasi mismo ang future ko, si Brent. Geez! Kinikilig ako!

"Miss Lopez!"

"Yes, Prof.?" Mabilis na sagot ko upang hindi halatang nagulat ako sa kanya.

"What's on your mind? Tell us." Seryosong tanong niya sa akin.

Napangiti ako. 'Yun lang pala ang tanong eh. Proud akong tumayo. Lahat ng mga ka-blockmates ko ay nakatingin at nag-aabang sa sagot ko.

"Si Brent Joseph Flores po, Prof.." Proud kong sagot. Paglingon ko sa paligid ay halatang nagulat sila sa naging sagot ko.

Napakunot ang noo ko at napatingin kay Jennifer na umiiling, si Crix na nagulat din sa narinig, at maging si Brent na kanina'y tulala ay nakangangang nakatingin sa akin.

"Ahmmm, why?" Nahihiyang tanong ko kay Prof. Geez! What happened? Tama naman ang sagot ko ah? Si Brent naman talaga laman ng utak ko eh!

Napailing at tila disappointed ang mukha ng aming Professor.

"Miss Lopez, you're not listening to my discussion. At 'yang love o pinapantasya mo ay mamaya mo na isipin. There's a lot of time and place to think that person. This is your class, so be a responsible student." Mataray at may diin na pahayag ng aming Professor.

Gusto ko nang umuwi sa dorm at magtago sa ilalim ng kumot sa kama ko. Geez! Wala na akong mukhang maihaharap dito. Nakakahiya!

"Yes Prof! I'm sorry." Paumanhin ko. Napayuko ako at umupo. Malamang sina Jennifer at Crix ay nahihiya para sa akin. Geez! I hate this moment!

Ano ba kasing nangyayari sa akin? Umayos na ako ng upo at nakinig sa klase.

Pasimple akong tumingin kay Brent at mukhang hindi na siya tulala. Nakikinig na kasi siya at nagta-take down notes. Siguro naisip niya rin 'yung nangyari sa akin kaya siya bumalik sa katinuan. At ang iba kong ka-blockmates ay balik sa normal na akala mo nakikinig talaga. Hmmmp!

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa pakikinig. Pero hindi ko mapigilan na pagmasadan si Brent. May magnet siguro 'tong mga mata ko at talagang naa-attract siya.

Mamaya ay aalukin ko si Brent na sumabay sa aking maglunch, nagbaon kasi ako ng pagkain. Nasabihan ko na rin ang mga bff ko na 'wag muna sumabay sa akin. Napangiti ako. Planado na ang lahat. 

Ngayon palang kinikilig na ako. Geez! I've never been like this.

Nagluto kasi ako para sa kanya. Baka sakali na magustuhan niya ang luto ko at maging ako. Geez! Kinikilig talaga ako.

Ilang saglit ay natapos na ang klase. Ang iba ay naghanda na upang maglunch, gayundin sina Jennifer at Crix.

Agad na silang nagpaalam. Si Crix na kumindat pa sa akin at may okay sign pang malalaman, at si Jennifer na tinanguan lang ako.

Lumapit ako kay Brent at binilisan din ang kilos dahil mukha siyang aligaga na halatang nagmamadali.

"Brent? Sabay tayo maglunch. Nagluto ako for you." Pagpapacute kong tanong sa kaniya.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon