Chapter 32

3.3K 124 15
                                    

A/N: Thank you po sa lahat ng nagvovote at comment. Sobrang nakakatuwa po! Hihihi! Here's another update.. Enjoy.

Chapter 32: Someone's POV.

POV. Andrei

Nauna na akong umalis kay Van. Ewan ko ba du'n! Masyadong nagpapagwapo, hindi naman gwapo.

Nag-uniform na rin kami para mamaya papasok na lang. Dala ko rin ngayon ang gamit at libro ko.

Iniwan ko siya sa kwarto at narinig kong kinakausap pa niya si Ethan. Baka nagpapaalam. May exam kasi kami ngayon kaya kailangan magreview.

'Yun na lang naman ang gagawin namin ni Van dahil nagawa na namin 'yung ibang homeworks.

Si Brent, hindi na umuuwi sa dorm. Napapansin ko na parang iniiwasan niya kami. Hindi ko nga lang alam kung bakit?!

Si Ethan, nalulong na 'ata sa girlfriend niya! Nako! Bahala sila. Hindi na nga 'ata nakagawa 'yun ng homework kagabi, naglabing labing pa 'ata.

Maghihiwalay din sila!

Natawa ako ng malakas dahil sa naiisip. Napatingin tuloy sa akin mga babae, bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Anak ka ng...

Baka akalain nila nababaliw ako. Ngumiti na lang ako ng mapang-akit sa kanila sabay kindat.

Hindi naman ako nabigo dahil mahahalata sa mukha nila ang kilig. Napailing ako! Hahaha! Ang gwapo ko talaga!

Taas noo akong naglakad papunta sa library. Maaga pa naman at mamaya pa ang klase namin kaya heto, review review muna.

Si Sheena naman ayon, ganon pa rin sa akin. Sobrang consistent! Napailing ako.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti! Naalala ko kasi ang mukha niyang sobrang cute kapag naiinis sa akin.

Natigil ako sa paglalakad ng makita si Crix na parang lutang kung maglakad at tila malalim ang iniisip.

"Crix!" Tawag ko. Lumingon siya sa akin at pilit ngumiti.

Hala? Anong meron? Parang hindi 'to nakatulog ah? Napailing na lang ako, baka mali lang 'tong naiisip ko.

Lumapit ako sa kanya at gayundin siya sa akin. Nakasimpleng t-shirt lang ito at maging shorts.

"Drei, si Ethan?" Agad na tanong niya nang makalapit ako.

Sumimangot ako sa kanya. "Ikaw naman! Ako na nga ang nasa harapan mo naghahanap ka pa ng iba!" Naiinis kong sabi sa kanya ngunit hindi umepekto ang pagpapacute ko.

Umayos ako ng tayo at aktong inaayos ang polo ko.

"Nasa dorm, du'n na lang muna raw siya magrereview." Mahinahon na sambit ko.

"Is that so.." Mahinang sambit niya. Tumango ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"Sige Crix, una na ako ha?" Sabi ko na lang at tumalikod na sa kanya papunta sa library.

Bahala sila. Dapat lahat na lang single eh!

Medyo inaantok pa rin ako dahil panay ang hikab ko. I sighed. It's okay, dahil mamaya ako naman ang magto-top sa exam!

Nang makarating ako sa library ay agad akong umupo sa taong iniwan ko lang kanina.

Bumuntong hininga ako. Kaya ayaw kong nang-iiwan eh, dahil nauuna pa silang magmove on.

Ay? Ano ba 'tong sinasabi ko?

Ibinaba ko na rin ang gamit at libro kong dala. Sh*t this bro! Naunahan pa ako. Iba talaga kapag book worm.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon