A/N: Hi? Kamusta? Anyway, this is chapter 47! Love 'ya... Happy reading!
Chapter 47: Haplos
POV. Brent
"Ano ba kasi ang problema, Brent? Sabihin mo?" Nag-aalalang tanong ni boss Ann habang binibigyan niya ako ng tubig.
Halos hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong kunin ang baso na inaabot niya ngunit tinitigan ko lang ito.
Alam kong nakainom ako ng alak pero hindi ako lasing para hindi makita ang nangyari kanina.
"Brent?" Tawag sa akin ni Boss Ann.
Tiningnan ko lang siya ngunit hindi pa rin nagsalita. Gusto kong ibuka ang bibig ko ngunit kahit ibuka ko ay walang lalabas na boses.
Kanina pa ako kinakausap ni Boss pero hindi ko magawang umimik.
Siguro, para na rin hindi ko masaktan lalo ang sarili. Masakit kasing alalahanin pa ang nangyari kanina.
"Sige, magpahinga ka na lang muna." Pag-suko ni boss at inalalayan akong tumayo papunta sa isang kwarto. Narito kasi kami sa sala ng bahay nila.
Nanlalambot ako at sobrang bigat ng pakiramdam kong tumayo. Mabuti na lang at nandito si boss sa tabi ko.
First time kong nakapunta dito sa bahay ni Boss Ann. Gusto ko mang iappreciate ang lugar ay hindi ko magawa.
Ang daming pumapasok sa isipan ko.
"Dito ka na lang muna ha? Bukas na lang kita kakausapin para mahimasmasan ka." Tumango lang ako kay boss Ann at lumabas na siya ng kwarto.
Napabuntong hininga ako at umupo sa kama. Alam kong napunta ako rito dahil nakita niya ako sa kalsada na lutang at parang walang buhay.
Umiling ako. Siguro dapat na akong matulog para makalimutan ko na ang lahat.
POV. Ethan
Maaga akong bumangon sa kama. Nandito na sina Van at Drei na kakauwi pa lang galing sa bar ngunit si Brent ay wala pa rin.
I should do something! Hindi ako nakatulog dahil sa pag-aalala. Para akong isang taong walang kwenta!
Gusto kong hanapin si Brent sa ibang lugar dahil wala siya sa bahay niya sa Sta. Rosa at sa mga lugar na madalas naming puntahan.
Tinawagan ko na sina Wincel, Jennifer at kahit si Sheena. Pati na rin 'yung bestfriend niya na hindi alam kung nasaan siya.
Mababaliw na ako. Ayaw kong mangyari ulit sa kanya 'yung ginawa ni Kenneth.
Kung hindi pa sinabi ni Crix kagabi na magpahinga ako ay hindi ko talaga maiisip ito.
Napansin din kasi niya na lasing ako. T@ngina ano ba kasing nangyari?
Sumasakit ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang mukha ni Brent. He's so cold.
Napahawak ako sa aking sintido. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Brent.
"Brent, please answer your phone." Pagmamakaawa ko. Nagriring naman ang telepono niya.
Tumayo ako at pumunta sa kusina ngunit hindi ko pa rin tinitigilang tawagan si Brent.
"Brent, come on! Answer your phone." Nag-aalala na ako ng sobra.
Halos ikutin ko 'tong buong kusina dahil sa aligaga kong paglalakad.
Ilang sandali lang ay sumagot na si Brent sa tawag ko.
"Hello, Brent? Are you okay? Nasaan ka na? Please?! Please, umuwi ka na! I'm so sorry. Please come home. Pag-usapan natin 'to. S-sobrang nag-aalala ako. P-please.... B-brent.... I love you so much.... I love you... B-brent....." Nanginginig at nauutal kong pahayag sa kabilang linya ngunit pagkatapos kong magsalita ay ibinaba na niya ang tawag.
BINABASA MO ANG
Pretending For You [boyxboy]
Fiksi Umum"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRETENDING TO BE A STRAIGHT MAN." -Brent Joseph Flores THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE...