Chapter 8

3.4K 155 7
                                    

A/N: Salamat sa nagbabasa. Here's chapter 8.  *_* enjoy reading ...

Chapter 8: Ann's Restaurant

POV. Brent

"Josephine?" Tawag ni Tin at niyuyugyog pa ang balikat ko.

Pinilit kong dumilat upang pahintuin na si Tin sa pagyugyog. "Tumayo ka na diyan at baka malate ka sa klase mo." aniya.

Dahil doon ay tumayo ako bigla at halos mahulog na ako sa kama sa sobrang pagmamadali. Naalala ko maaga pala ang pasok ko ngayong araw.

"Inilagay ko na 'yung mga gamit at cellphone sa bag mo. Dumiretso ka na sa banyo. Dali!" sigaw ni Tin. Natataranta tuloy ako.

Sinunod ko si Tin at ginawa ang aking morning rituals. Naligo na ako para magbibihis na lang pagdating sa dorm.

Ilang sandali pa ay nagmamadali na akong umalis at sumakay sa taxi. Tumawag na kasi si Tin para makabiyahe na ako agad. The best talaga si Tin.

Habang papalapit na ako sa LU, ay naalala ko si Ethan. Kinuha ko ang aking cellphone at ito ay binuksan.

Halos hindi matigil sa pagtunog ang aking cellphone. Pagtingin ko ay ang daming tawag at text. Galing iyon kay Van, Drei at karamihan rito ay kay Ethan.

Hindi ko na inabala pang tignan o basahin ang mga text sa aking cellphone sapagkat nandito na ako sa tapat ng LU. Mabilis talaga ang bihaye pag-umaga.

Nagbayad na ako at bumaba. Dumiretso na ako agad sa dorm. Tahimik at parang tulog pa ang mga tao rito.

Nagtungo ako sa aking drawer upang kunin ang uniform. Mabilis akong kumilos. Mabuti na lamang at nakaligo na ako sa bahay dahil baka malate ako. Huhuhu! scholar pa man din ako.

Pagtingin ko kina Drei, Van at Ethan ay mga tulog pa ito. Maingat akong lumabas sa kwarto. Kinuha ko na ang aking bag at humanda na sa pagpasok.

Naglalakad na ako sa hallway ng LU ng may tumawag sa akin.

"Brent? sabay na tayo." nakangiting sabi ni Wincel. Tumango na lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Hindi ko na din inabala pang tanungin kung bakit hindi niya kasama sina Crix at Jennifer dahil nadatnan namin sila sa classroom na busy sa pagbabasa.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Wala pa rin ang aming professor kaya't medyo maingay ang aming room.

"Bakit parang nagmamadali ka kanina?" biglang tanong ni Wincel.

Napatingin ako sa kaniya nakatitig ito sa akin. Medyo nailang tuloy ako. Makatitig naman kasi ito ay parang wala ng bukas.

Sina Crix at Jennifer naman ay busy pa rin sa pagbabasa. Maging ang mga ka-blockmates ko ay busy din.

"Akala ko kasi malalate na ako." napasimangot na lang ako dahil para akong tanga kanina kakamadali tapos wala pa pala ang Prof..

"Malalate? Nasa dorm ka lang naman ah? Bakit? Ano bang ginawa mo?" curious na tanong ni Wincel.

"Hindi ako natulog sa dorm kagabi. Doon ako sa bahay namin, sa Sta. Rosa. Kinausap ko kasi 'yung makakapartner ko sa sayaw, nagkamustahan at k'wentuhan kaya inabot na kami ng gabi." K'wento ko kay Wincel.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon