Chapter 22

3.1K 124 3
                                    

A/N: Here's another update. Enjoy!

Chapter 22: Iyak' tawa.

POV. Andrei

Maaga akong bumangon mula sa kama. Alam kong sabado ngayon at mamayang hapon pa ang klase namin nila Van at Ethan.

Ewan ko ba?

Siguro, nagising ako nang maaga dahil excited ako ngayon.

Excited na makita si Sheena. Napangiti ako.

Sa wakas, napapayag ko rin siyang lumabas kami.

Niyaya ko kasi siya kahapon at ang sabi niya ay bukas na lang daw kami ng umaga lalabas.

Niligpit ko ang kumot ko at inayos ang kama.

Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone sa gilid, kung nasaan ang table ko.

Mayroon kasi kaming sari-sariling table sa gilid ng kama.

Nang makuha ko ang cellphone ko ay hinanap ko sa inbox ang text ni Sheena, ngunit, kahit isa ay wala man lang siyang reply sa mga tinext ko sa kanya.

Napangisi ako. Kakaiba talaga ang babaeng 'yon.

Masyadong pakipot.

Napahiga ako sa kama. "Hay!" Malakas na buntong hininga ko.

Naririnig ko ang sarili kong hininga dahil sa sobrang katahimikan dito sa kwarto.

Naiwan kasi akong mag-isa rito sa dorm. Nagpaalam naman sa akin si Brent na sa bahay muna nila siya matutulog.

Pumayag naman ako dahil mukhang namimiss na niya ang kaibigan daw niyang si Tintin.

Bilib ako sa lalaking 'yon. Napakalakas sa chicks. Nagmana 'yata sa akin ang loko.

Si Van naman ay umuwi rin sa kanila dahil sa business. Napailing ako. Mabuti pa ako cool lang pagdating sa trabaho.

Hindi ko muna kasi iniisip ang mga bagay na ganyan. Bata pa ako at ine-enjoy ko muna ang buhay.

Si Ethan naman, nagsabi rin sa akin na hindi makakauwi. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

Nagsisikreto ang loko.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Maliligo na ako upang masilayan ko ang aking Sheena.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi.

May mga naririnig akong kakaibang tunog na nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

Kahit si baby Drei ay napataas din dahil sa kaba.

Napailing ako.

Baka nangagailangan lang talaga ang baby Drei ko ng may hahagod sa kanya.

Sa tingin ko, isang buwan na siyang hindi nagagatasan. Hahaha!

Nagmadali na akong kumilos. Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na rin ako.

Hindi ko na kailangan pang magpa-gwapo dahil natural na sa akin 'yon.

Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at inilagay ito sa aking bulsa.

Tumingin muna ako saglit sa salamin dito sa kwarto at pinagmasdan ang kagwapuhan ko.

Simpleng dark blue polo, white pants ang suot ko.

"Ang gwapo mo talaga." Tanging nasabi ko sa sarili.

Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto. Tinignan ko muna ang buong dorm at sinigurong maayos ko itong iiwan.

Mahirap na, baka ako ang sisihin nila kapag may nangyari dito sa dorm.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon