Chapter 43

2.6K 116 8
                                    

A/N: Hi readers! Matagal tagal din ang hinintay! Sorry natagalan sa pag-update..  Here's chapter 43, I hope you'll enjoy this! Hahahaha...

Chapter 43: The Truth

POV. Brent

Halos nanununuot ang sakit sa aking mga kalamnan. Palo dito, hampas do'n. Halos wala na rin akong makita dahil sa pamamaga ng isa kong mata.

Ang matigas na kahoy na bumabaon sa bawat hampas sa aking katawan, na tila nagpaparusa dahil sa ako ay may sala.

Napapikit ako at naluha-luha. Ipinalangin ko sa Panginoon na kung ako ay hindi makaliligtas dito ay sana maging maayos ang lahat, na sana matigil na ang mga masamang nangyayaring ito.

Siguro ay malalim na rin ang gabi at sa palagay ko ay hinahanap na ako nila Tintin.

Napapikit ako sa kirot dulot ng mahigpit na pagkakatali sa akin. "Ganito ba ang parusang nararapat para sa akin?" Hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili.

Napapitlag ako at napatingin sa kahoy na ibinato sa akin. Tinamaan ang kaliwang braso ko at tila manhid na sa sakit. Halos mangitim na ang kahoy dahil sa bakas ng dugo ko.

"T-tama na... P-please? I-itigil mo na 'to?..." Mahina at nauutal kong sabi sa taong nasa harapan ko ngayon.

"I-ito ba ang gusto mo? Ang m-mahirapan ako?..." Hindi ko mapigilang isumbat sa kanya.

Hindi ko akalain na magagawa niya itong mga bagay na 'to. Tila isang panaginip ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwala!

Ang mala-anghel na ngiti niya ay hindi pala totoo at pawang pagpapanggap lang ang lahat.

Tuloy tuloy na umaagos ang luhang pumapatak sa aking mata. Akala ko kaibigan ko siya. Akala ko okay na kami?! P-pero bakit ganito?

"You don't deserve my Ethan! Akin lang siya! Hahahaha!" Nakangisi niyang sagot sa akin.

Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Parang isang demonyo ang kausap ko or worst, mas masahol pa sa demonyo.

Hindi pa siya nakuntento, sinabunutan pa niya ang aking buhok na halos mabunot na ang mga hibla sa anit ko, at pilit na inihaharap sa kanya ang mukha kong nakayuko dahil sa sobrang pagod at pagkadismaya sa kanya.

"Akala mo papakawalan kita dito?... Pwes, magdusa ka!" Malademonyo niyang pahayag at natatawa pa siyang pinagsasampal ako.

"T-tama na... parang awa mo na...? Isipin mo man lang 'yung friendship na itinuring ko sa'yo..." Gustong kong isigaw sa kanya ngunit wala na akong lakas.

Napapikit ako. Hindi lang dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko kung hindi dahil itinuring ko na siyang kaibigan.

Bakit?

Siguro nga, ito na ang kapalit ng saya ng pagmamahal ko kay Ethan. Patuloy lang siya sa pagsasalita hanggang sa unti-unting binalot ang buo kong katauhan ng kadiliman at sana.... totoo ngang panaginip lang itong lahat.

POV. Ethan

Pinagmamasdan ko ang papalubog na araw. Napangiti ako. Parang gusto kong puntahan si Brent at anyayahan siya dito. Maganda kasi ang view at tiyak magugustuhan niya ang lugar.

Napailing ako habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa aking labi.

Bakit kaya siya umalis kanina?

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon