Chapter 15

3.3K 136 5
                                    

A/N: Enjoy Reading beybe...

Chapter 15: Me? As a Man?

POV. Brent

Nandito ako ngayon sa harapan niya. Kinakabahan at hindi alam ang gagawin.

"Madali lang 'yan. First, aminin mo sa kanya na gusto mo siya. Tapos yayain mo mamasyal. Panigurado, papayag 'yon." Mahabang pahayag sa akin ni Ethan.

"Yes, Bro! Mukhang patay na patay naman sa'yo si Wincel kaya sunggaban mo na." Biglang sabi naman ni Drei na galing sa kusina.

Nandito kami ngayon sa sala. Katatapos lang nang klase ko at sila ay hindi ko alam kung papasok.

Maya-maya lang ay papasok na rin ako sa trabaho.

"Brent, if you need help... tell us! 'Wag kang magmukmok." Nag-aalalang sambit naman ni Van.

Sana gano'n na lang kadali na sabihin ang lahat. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon.

Sinundan ko si Ethan sa restaurant. Nakita ko ang pagkamangha sa mukha ni Ethan nang makita niya ang loob ng VIP room.

Masaya..... ay hindi!!! Napailing ako sobrang saya nilang tingnan.

Nakita ko kung paano niya hinalikan ang kamay ni Crix at ingat na ingat niyang inaalalayan ito papaupo.

Kung pa'no sila magk'wentuhan, tinginan at tawanan.

Masakit, sobrang sakit. Bakit ko 'to nararamdaman?

Masakit na makita ang taong mahal mo masaya sa piling ng iba.

Kasalanan ko 'to!

Akala ko kasi okay na kami. Akala ko kahit magkaibigan na kami hindi na ako masasaktan... Na kahit kaibigan lang maramdaman kong mahalaga ako sa kanya. Ah tama! Mahalaga ako sa kanya kasi kaibigan niya ako, bestfriend pa nga eh!

Tumulo ang mga luha na kanina ko pa pilit pinipigilan. Mga hikbi na unti-unting lumalakas. Nandito ako sa gilid at nagtatago.

Sumisikip ang dibdib ko at hirap huminga. Parang ang puso ko ay pinupunit nang pira-piraso.

Ilang saglit lang ay napansin ako ni Ethan, halatang nagulat siya nang makita ako. Napatayo siya ngunit kinausap siya ni Crix.

Unti-unting napapaatras ako hanggang sa papabilis na takbo.

Hindi ko alam kung sa'n tutungo. Tumatakbo na akala mo ang problema ang tinatakasan.

Hindi ko na inintindi ang mga taong nakakakita sa akin. Hanggang sa narating ko ang puntod ng aking magulang.

Hindi ko ininda ang pagod na nararamdaman sa ginawang pagtakbo.

Mas masakit pa ang puso ko kaysa sa pagod.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon