Chapter 20

3.5K 129 5
                                    

A/N: Hindi ko po akalain na aabot ako sa Chapter na 'to. Medyo mahaba kaya Enjoy reading!

Chapter 20: Courting Her

POV. Ethan

"Bro, may alam na ba kayo sa nangyari kay Brent?" Seryosong tanong ko kay Van at Drei.

Nandito kami ngayon sa kitchen. Naisipan ko kasing magluto na lang dahil alam kong pagod si Brent.

Hindi ko naman p'wedeng i-asa ang pagluluto sa dalawang 'to dahil hindi naman sila marunong.

Halos hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil hinintay ko pang makauwi si Brent dito sa dorm.

Ewan ko ba? Hindi ko maiwasan na mag-alala.

"Nakausap ko 'yung babaeng nagpapunta kay Brent sa third floor." Sagot ni Van.

Napaayos ng upo si Drei.

Itinigil ko na rin muna ang pagluluto at nakinig sa sasabihin niya.

"Ang sabi niya lang sa akin ay hindi niya raw naaalala ang mukha ng lalaking nag-utos sa kanya. Kaya mahihirapan tayong ma-identify kung sino 'tong lalaking 'to." Pahayag ni Van.

Napaupo ako malapit sa kinauupuan nilang dalawa. Kinuha ko ang baso na may lamang tubig at ininom ito.

"Bro! akin 'yan!" Agad na sabi ni Drei ngunit wala na siyang magagawa dahil nainom ko na ito.

"Ano ang dapat naging gawin?" Tanong ko sa kanila at napahawak ako sa aking sintido.

"What if? Mag-hire tayo ng private investigator? Mukha kasing planado 'to at hindi biro ang nangyari kay Brent. Maari siyang mapahamak sa nangyari. Mabuti na nga lang na nakita niyo siya do'n." Suggestion ni Drei.

Napatingin kami ni Van kay Drei na ngayon ay nagsasalok ng tubig sa baso na ininuman ko kanina.

"Tama ka! Hindi nga biro ang nangyari. We have to do something. Hindi lang para kay Brent 'to kun'di para sa lahat ng students ng LU." Dagdag ni Van at ininom ang tubig na sinalok ni Drei sa baso.

"Bro? Alam kong seryoso 'tong usapan natin..." Biglang sambit ni Drei.

Napalingon kami ni Van sa kanya at hinintay ang susunod na sasabihin niya.

"Kailangan ba talagang inumin niyo 'yung tubig na dapat para sa akin?" Inis na sabi niya.

Sabay kaming natawa ni Van. Hindi naman sa sinasadya naming gawin 'yon kay Drei, masarap lang talaga siyang asarin.

Bumalik na ako sa pagluluto habang silang dalawa ay naiwan sa mesa.

"Hahahaha! Easy lang bro!" Natatawang sabi ni Van.

"Oo na!" Bulyaw niya sa amin at nagsalok ulit siya ng tubig sa baso pagkatapos ay agad niya rin itong ininom.

Napailing tuloy ako. Tumayo na si Van at kumuha ng mga pinggan. Iniayos na rin niya ang mga ito sa mesa. Malapit na rin kasi maluto itong pagkain.

"Van, ikaw na ang bahala sa private investigator. Kailangang malaman natin kung sino 'yung lalaking 'yon at sisiguruhin kong magbabayad siya sa ginawa niya." Seryosong sabi ko kay Van.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon