Chapter 36

3.4K 133 22
                                    

A/N: Paalala, be ready for the words po na mababasa niyo! 'Yun lang! Hehehe.. Happy reading. ;)

Chapter 36: Kaba

POV. Brent

Nagising ako nang gumalaw ang kama na hinihigaan ko. May umupo kasi sa gilid nito.

Kinusot kusot ko ang mata ko at tumingin sa taong mukhang magdamag ako binantayan.

'Yung tipo na maaalimpungatan ka tapos may makikita kang gwapong lalaking nakangiti malapit sa'yo.

"Kenneth?" Nagtataka kong tawag sa pangalan niya. Hinawakan niya ang buhok ko at marahan itong hinaplos.

"Magpahinga ka lang d'yan. 'Wag mong pagurin ang sarili mo." Mahinahon niyang saad.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.. Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya na magpahinga ako at 'wag pagurin ang sarili.

Gusto kong sabihin sa kanya, na kung hindi ako kikilos, sino ang kikilos para sa akin?...

Napansin ko na nasa bahay pala ako. Pero? Nasaan si Tintin? Anong ginagawa ni Kenneth dito sa kwarto? Anong nangyari? Ang alam ko, nasa resto ako? Papa'nong...

"Kasasabi ko lang, magpahinga ka! At 'wag kung anu-ano ang iniisip mo." Mahinahon niyang saad at tumingin sa akin ng seryoso.

"P-pero?..." Naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumayo.

Kumuha siya ng tubig at iniaabot ito sa akin. "Oh heto, uminom ka muna." Sabi niya.

Umupo ako at kinuha ang tubig sa kanya. Pagkatapos ay ininom ko ito.

Medyo naiilang ako sa kanya dahil pati ba naman sa pag-inom ko ng tubig ay nakatitig pa rin ito sa akin.

"Ah, Kenneth? O-okay na ako." Nauutal kong sabi sa kanya ngunit umiling iling ito na parang hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Brent, the doctor said, you experience fatigue. It can be caused, by mental exhaustion due to your overwork or emotional stress. So I must say, get a lot of sleep." Napanganga ako sa sinabi niya.

Bukod sa diretsong english na pagsasalita ay sinabi niyang, I experiencing fatigue? Pa'no? Nalilito akong tumingin sa kanya.

Bumuntong hininga siya at pilit na pinahiga ulit ako sa kama. "Matulog ka na muna. Tama na 'yung sobrang pagpapagod mo." Nakangiti pero mahahalata mo ang pagkaseryoso sa sinasabi.

"Josephine! Ay sorry Brent pala." Biglang saad ni Tintin na ngayon ay may dala-dalang pagkain.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka homophobic 'tong si Kenneth. Mahirap na. Baka siya 'yung tipo na galit at ayaw sa mga bakla.

"Brent, Par, Bro, Brother, Brad, Tol, o kung anuman ang pangalan mo. Heto ang pagkain at magpalakas ka. Para 'yung ano mo lalong tumigas." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin din si Kenneth sa kanya.

"'Yung ano, 'yung tumigas 'yung... muscles. Para maging malakas. Tama! 'Yun, 'yon! Hehehe! Sige labas muna ako. Mag-usap na muna kayo d'yan." Nauutal na sabi ni Tintin at parang nailang dahil sa presensya ni Kenneth.

Napangiwi ako. Hindi ko alam ang gagawin ko rito sa kaibigan kong 'to. Ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi at pinagagagawa niya eh!

Huminga ako ng malalim at tumahimik dahil parang ang awkward lang. Nakakainis talaga si Tintin! Hindi ko na tuloy makain 'yung pagkain na dinala niya.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon