Chapter 24

3.1K 134 2
                                    

Bakit ba ikaw

A/N: Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng aking akda, kahit na wala pong kasiguraduhan 'yung mga updates ko. Love 'ya all.. Enjoy this chapter!

Chapter 24: Bakit ba ikaw?

POV. Brent

Humihikab akong bumangon mula sa higaan.

Anong oras na ba?

Tumingin ako sa orasan. Malapit na pala magtanghali. Napasarap 'ata ang tulog ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Bukod sa naging panalo ng aming team kahapon ay mas napalapit ako kay Ethan.

Napatingin ako sa katabing mga kama. Kumunot ang noo ko. Nasaan sila?

Nagtungo muna ako sa banyo upang maghilamos at sipilyo.

Ang aga naman 'ata nilang magising?

Expected ko kasi na mauuna akong magigising sa kanila, dahil alam kong napagod sila sa laro kahapon.

Napatingin ako sa salamin. "Sana good mood ka pa rin... Superman." Nakangiti kong pagka-usap sa sarili.

Nababaliw na 'ata ako. Pati salamin kinakausap ko at ini-imagine ko pang ito si Ethan.

Nang matapos ako magbanyo ay lumabas na ako ng kwarto.

Naririnig ko ang malakas na tawa ni Drei at Van.

Napangiti ako. Ang sarap isipin na kaibigan ko 'tong dalawang 'to.

"Oh? Brent! Gising ka na pala. Tara! Manood tayong movies." Masayang pagyaya ni Van sa akin.

Napalingon si Drei at ngumiti sa akin. Nasa sala kami ngayon at napansin kong nakakalat ang napakaraming dvds sa sahig.

"Oo nga! Tara nood tayo! Anong gusto mong movie?" Natatawang tanong ni Drei at may ipinakita sa aking mga DVDs.

Hindi ko alam kung maiinis ako o mandidiri sa kanya dahil ibinalandra niya sa mukha ko ang mga dvds.

Pinapipili niya ako sa iba't ibang porn movies na hawak niya. Sheymmsss talaga!

"Tumigil ka na bro! Bata pa si Brent para d'yan." Natatawang tugon ni Van.

Napangiwi ako kay Van na siya naman ang unang nag-alok sa akin na manood.

Feeling ko namumula na ang mukha ko dahil sa hiya. Hindi ako sanay sa ganito!

Umiwas ako ng tingin sa kanila. Teka? Nasaan nga pala si Ethan?

Lumapit ako kay Van na nasa dulo ng upuan. "Van?" Mahinang tawag ko at kinalabit siya sa balikat.

"Bakit?" Napatingin siya saglit sa akin at bumalik sa ginagawang pag-aayos ng dvds na kinalat ni Drei.

"Nasaan si Ethan?" Agad na tanong ko.

Lumapit si Drei sa amin at ibinaba niya ang hawak na mga dvds sa mesa.

"Umalis, kasama si Crix." Sagot ni Drei.

Napakunot noo ako. "Ah?! Nagdate?" Curious na tanong ko sa kanila.

Umayos ng upo si Van at humarap sa akin. Habang si Drei ay kumuha ulit ng isang dvd at kunwaring may binabasa rito.

"Nagtanan!" Baliwalang sambit ni Drei.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon