"Rich 18

871 17 6
                                    

My Rich maid lover's

                                    Chapter 18

--------

Pagpapatuloy...

"Ingat ka asawa ko hihintayin ko ang pagdating mo.

Bulong ni Karen habang naka tingin sa pag alis ng mahal niya pero nakita niyang naka tingin si Archie sakanya kaya nginitian din niya ito

Nakita niyang ngumiti rin ito sakanya bago sumakay ng Van.


"My napapansin ako sayo Archie na kakaiba pero siguro kabaitan lang ung napapansin ko wala namang sigurong ibang ibigsabihin un..

Bulong ni Karen habang naka tingin sa pagsakay ni archie pero ng tignan niya si Val napansin niyang mabilis itong  umiwas ng tingin sakanya at nagmadali na itong sumakay at sinara ung pinto ng Van.

Paalam Asawa ko.

Kahit malungkot para sakanya ang pangsandaliang paglisan ng mahal niya nalulungkot parin siya dahil hindi niya ito makikita at makakasama ng mga dalawang linggo para sakanya ay malungkot un.


-

------

Isang linggo na ang lumipas nagtataka si Karen kung bakit hindi nagtetext ang Katextmate.

Ano kayang nangyari doon..

Bulong ni Karen hindi niya alam kung bakit parang namimis niya ito.

Bakit parang namimis mo rin siya.

Bulong ng puso niya napa buntong hininga nalang siya dahil magtataka siya sa nararamdaman niya namimis din niya kasi ung taong Ka textmate niya na hindi niya alam na si Archie ito. Pero ang totoong namimis niya ay ang tunay niyang mahal si Val.

Sa tuwing pupunta siya sa kwarto ni Val ay nahihiga at niyayakap niya ang unan na laging yakap ni Val para na siyang baliw na kinakausap ang unan nito.

Samantala sa kabilang dako naman kahit Busy ay Miss na miss na ni Archie si Karen.

Si Val naman ay nakakatext nanaman ang jowa nakikipagbalikan ito sakanya kaya ayun lumalandi na naman tila nalimutan na niya ung kakaiba niyang nararamdaman para kay Karen. Samantala si Archie ay Kahit maraming lalaki ang lumapit ay si Karen parin ang nasa isip niya gustong gusto nanga niyang umuwi para ligawan na si Karen.

-----

Pagkatapos ng dalawang linggo Excited ng umuwi si Val para?

Habang nag aatay si Karen sa pagdating ng mahal niya my biglang dumating sa bahay na lalaki pinapasok ni manang nita ito nagtataka siya kung sino ito. Pinagsisilbihan niya ito habang naka upo sa sofa nakita niya na my dala itong bulaklak.

Grabe no ang bata  ng manliligaw ni Manang nita.

Naka ngiting bulong ni Karen..

Hin---------

Naputol ang sasabihin ni Lala ng nagtatakbo na si Karen dahil na kita niyang bumababa na sila Val sa van. Nagmamadali siyang pumunta sa pinto para pag buksan ito ng pinto ng mabuksan na niya nakita niyang naka ngiti si Val habang naka tingin sakanya kaya napa ngiti at  inantay niya itong lapitan siya.

Namiss ako ng mahal ko..

Bulong ni Karen dahil mukhang yayakapin siya nito kaya akmang yayakapin narin niya ito ng biglang hawiin siya ni Val palayo napa sandal siya sa pinto at ng tignan niya kung sino ang niyakap ni Val ay nakita niya na ung lalaking my dalang bulaklak ang niyakap ni Val.

Tila sinaksak ang puso niya durog na durog ito parang gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya.

Malungkot niyang kinuha ang bulaklak na inaabot sakanya ni Val naka sunod lang siya sa taong mahal niya naka yakap ito sa lalaki at masaya. Si Archie naman ay gusto niyang yakapin si Karen dahil sa nakita niya na paghawi ni Val sa dalaga naawa siya para kay Karen alam niyang nasaktan ang dalaga sa nakita.

Sobrang sakit bakit ganon. Bakit mo ako ginaganto..

Bulong ni Karen habang naka tingin kay Val na nakikipaglandian sa nobyo.

Nagka balikan na kasi ito kaya nag iba nanaman si Val tila nalimutan niya ang lahat dahil sa nobyo niya..

Ok kalang..

Tanong ni Lala..

Ahh oo.

Sagot ni Karen.

Ahh tera samahan mo akong maghanda ng lason para sa jowa ni Madam hehehe.

Pagbibiro ni Lala napa ngisi nalang si Karen at sumama nalang kay Lala.

Asang asa na siya ang yayakapin  ni Val pero ngayun durog na durog ang kanyang puso dahil sa nakita at nalaman niyang nagka balikan na ito. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa.














Itutuloy...
Malapit na hehehe...

"My RICH MAID LOVER'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon