My Rich maid lover's
Chapter 34
--------
Pagpapatuloy.
"!!Mimi sigurado kaba na lahat to.
Oo lahat lahat ng damit ko papaltan kuna
Bakit?
Kung gusto niyang kiligin. Gagawin ko ang gusto niya. Papakiligin ko siya?😁
Nagtataka naman ang mga bakla sa sinabi ni Val sinunud nalang ng mga bakla ang gusto ni Val lahat ng damit niyang pang babae ay inalis nila at tinabi muna.
Namili narin sila ng ibang damit.
Mimi pang lalaki naman tong lahat ahh
Pang lalaki nga pano ko naman siya mapapakilig kung mas babae pa ang pananamit ko sakanya.
Ay oo nga tama ka mimi para kiligin ung malanding un..
Napa ngisi nalang si Val sa narinig sa mga bakla..
Inayos na nilang lahat ng bagong damit at iba pa niyang binili. Ng matapos siya tinitigan niya ang damitan niya lahat ng nandoon ay panglalaki na.
Val sigurado kona ba na babaguhin mo ang pananamit mo para sakanya..
Bulong ng isip niya..
Sigurado na nayan yan ang gusto ng mahal ko..
Bulong ng puso niya. Napa ngiti nalang siya habang pinakikingan ang tibok ng puso niya..
Mimi ano nga pala gusto mong wig ung kahapon ohh ito naman.
Tanong ni Buern habang pinapakita kay Val ung wig pero my kulay at mahaba ito..
"Buern ayoko niyan. Gupitan mo nalang ako ng ayos tapos ikaw na ang bahala na mag ayos sa buhok k.
Ha gugupitan na kita kala kuba mimi pinahahaba mo yan.
Basta "Buern? Gupitan muna ako wagnang magtanong..
Ahh ok?
Tipid na sagot ni Buern pero napapakamot siya sa ulo dahil hindi niya mahulaan ang nasa isip ni Val. Sinunud na lang niya ang gusto ni Val inumpisahan na niya baguhin ang buhok nito.
------
Habang busy sa pagbabago ng itsura si Val ay si Kyrine naman ay hindi mapakali dahil naiisip niya ung kahapon na pag uusap nila ni Val. My napansin kasi siya kay Val.
Siguro pinagtritripan lang ako ng kabayong un.
Bulong ng isip ni Kyrine. Napapansin naman siya ni Archie.
Mahal ko my problema kaba..
Tanong ni Archie habang palapit sa dalaga.
Ha wala my iniisip lang ako.
Sagot ng dalaga.
Mahal ko kung ano man yan nandito ako para tumulong sayo ha..
Naka ngiting sabi ni Archie habang niyayakap ang dalaga.
Hindi naman makasagot si Kyrine dahil si Val ang nasa isip niya hindi niya masabi kung ano ung nagpapagulo sa isip niya.
Ahh lika na mahal ko alis na tayo baka malate pa ako.
Ok?
Tipid na sagot ni Archie pero my kunti siyang naramdaman na kakaiba.
Umalis na silang dalawa habang nasa biyahe ay tahimik lang si Kyrine hanggang makarating sila.