My Rich maid lover's
Chapter 30
--------
Pagpapatuloy.
Pagkatapos ng Party kanya kanya silang pasundo sa mga Driver nila pinaalis na kasi nila ung buss. Si Val naman ay pinasalubong sa mga bakla ang van baka kasi malaman ng mga cohost niya na doon siya naka tiraMaraming salamat po ulit sainyo sa pagtanggap ninyo saakin bilang kapamilya ninyo.
Masayang sabi ni Kyrine..
Wala un Sis masaya kaming nakilala ang isang katulad mo siguradong mabait ka. Tapos ang ganda mo pa kaya sana wagkang panghihinaan ng loob ha.. dapat maging matatag ka. Alam mo naman ang buhay Artista ang hirap..
Sabi ni Anie..
"!Tama anak pero group hug na ulit.
Sigaw ni Derek bobie ang lahat ay muling lumapit kay Kyrine para yakapin ito si Val ay yumakap narin para hindi siya maisyu dahil baka mapansin siya ng mga kaybigan niya na parang my alitan sila na Kyrine.
Ohh pano uwi na kami.
Sige po Tyang emy mag iingat po kayong lahat.
Nagsi sakayan ng ang lahat sa mga sasakyan nila pati si Val ay sumakay narin sa van niya ang mga bakla naman ay maglalakad sana papunta sa bahay niya kaya.
Huy mga bakla saan kayo pupunta sakay dito dali..
Sabi niya.
Ay oonga pala sorry mimi..
Hinging pasensya ng mga bakla napansin ni Kyrine un napa iling nalang siya dahil alam niya kung ano ung pinaggagawa ng mga bakla ng maka alis na ang lahat doon lang umiyak si Kyrine nasa my tabi siya ng gate at iyak ng iyak doon. Muli niyang naramdaman ang sakit sa dibdib niya
Nong kinausap siya ni Val kanina ay gusto na niyang umiyak pero hindi niya ginawa. Nasaktan siya sa narinig niya mismo sa taong mahal niya ang mga salitang un kaya malakas na sampal ang naibigay niya kay Val. Habang papunta siya kanina sa mga bago niyang kaybigan nanginginig ang kamay niya dahil doon. Binalewala nalang niya at nagparty siya ng wagas para malimutan niya ang lahat.
Habang umiiyak si Kyrine. Sila Val naman ay umikot lang ng makita nila na nagkahiwalay hiwalay na ang sasakyan sinabi na niya na bumalik na para maka uwi na sa bahay niya.
Hindi makapag salita ang mga bakla dahil alam nilang mainit ang ulo ni Val ngayun. Ng makabalik nakita nilang nandoon pa sa my tabi si Kyrine.
Ng mapansin ni Kyrine ang van nila Val ay agad na siyang tumayo at pinunasan ang kanyang luha sa pisnge dali dali na siyang pumasok sa loob at pinasara na sa mga katulong ang gate.
Nagtataka naman ang mga bakla sa nakita nila.
Galing iyak ba siya.
Bulong ng mga bakla.
Un iiyak hindi no kinakalaban nga ako ehh
Mataray na sabi ni Val napa tingin sakanya ang mga bakla. Ng maka pasok ung van sa loob agad ng bumaba si Val at dumaretso sa kwarto niya.
Mainit ang ulo ni Mimi dahil doon. Pero nakakapagtaka lang talaga no pano kaya niya nagawang yumaman ng mabilis.
Bulong ng mga bakla habang naka tingin sa malaking bahay sa harap nila.
Wag nanga ninyo isipin yan wala na tayong magagawa si Karen ay isa ng mayaman at artista na katulod na ni mimi. Siguro tama si Mimi nilalabanan siya ni Karen. Sundin nalang natin ang mga gusto ni mimi wag natayong makealam para walang maging isyu si "Mimi.
Sabi ni Buern tumango nalang bilang sagot ang mga bakla nagsi pasukan na sila sa loob ng bahay.
Si Kyrine naman ay Nahiga na at nagtext siya sa mga kapatid niya na susunduin niya ito bukas para doon na tumira sa bahay niya kahit hindi pa nababasa ng mga ito ang text masaya na si Kyrine na makakasama na niya ulit ang pamilya niya. Tinuring na niya talaga kasing pamilya na niya ang mga ito alam niya na magugulat ang mga ito sa malalaman nila tungkol sakanya
Habang nag hihitay ng sagot naka tulog na siya sa tabi ni Archie sa sofa.
Samantala sa kabilang dako naman hindi maka tulog si Val dahil sa kakaisip sa mga nangyari ngayung araw.
Ano ba bakit mo iniisip ung malanding un ano naman kung mayaman siya. Hindi ka parin mapapantayan ng malanding babaeng un kaya wagkang mag isip ng kung ano ano..
Bulong ng isip niya habang naka higa pero lalong kumunot ang noo niya ng makita niya ang pagyakap ni Archie habang naka talikod ang dalaga.
Nakakadiri sila hindi naman sila bagay...
Muling bulong ni Val. Hindi siya maka tulog kaya siguradong mukhang nag adik nanaman siya bukas. Dahil sa kakaisip tungkol kay Karen.
----------
Itutuloy..
Hi po to muna jogging lang po ako maya ulit.
Pa vote at comment nalang