Nepp POV
Forth Tala Kitchen.
Bagpatulong ako kay Mek at Shenna sa pagluluto ngbmga favorite food ni Zuan.
"Alam ba ni Zuan na nagprepare ka nitong dinner? " tanong ni Shenna habang inaayus nya yung flowers na binili ko.
"May usapan dapat kami noong Sunday, ee hindi natuloy ang sabi sa sunod na araw na lang. Ee siguro naman hindi ako gaanong makajaubos ng oras nya kasi sa unit nya na namin to kakainin" sabi ko then tumawa si Mek.
"Matibay ka rin ahh sa dami ng nagtangkang manligaw sa kanya ee ikaw lang ang nagtagal at napakatrying hard mo sa panunuyo kahit pa ilang ulit ka nang ipagtulakan ni Zuan" nakangiting sabi ni Shenna
"Oo nga, kelan mo ba balak sukuan si Zuan. Mukhang wala ka namang pag-asa doon ee. Tyaka di pa nanakaka-move on yung tao ee" dugtong ni Mek kaya naman tinignan ko sila nang masama.
"Ang lakas nyo ding mang-asar noh. Imbes na tulungan nyo na lang ako, tutal naman seryoso ako kay Zuan at handa akong maghintay ee dapat chene-cheer nyo ako at inaadvice" pagrereklamo ko.
"Alam mo kasi Nepp, simula kasi nang masaktan yang si Zuan, ang laki nang pinagbago nya. Ultimo pakikitungo nya sa amin ee nagkaroon nang pagbabago. Hindi na namin sya madalas makasama. Naglalagi lang sya sa Gym, sa Park at sa Desk nya. Samantalang dati, halos araw-araw kami sa mall, kumakain, na-road trip, nagpupunta sa malalayong lugar" malungkot na sabi ni Shenna.
"Kahit sobrang busy nya, naglalaan sya nang oras para makapag-bonding kami. Lagi nga lang nyang bukam-bibig yung sira-ulong John na yun" mas lalo akong nalungkot sa sinabing yun ni Mek.
"Sobra nga nyang minahal nya yung hayop na yun. Matapos ibigay lahat ni Zuan sa kanya, iiwanan lang sya na para bang walang nangyari" that lalo akong naaawa nang husto kay Zuan. Alam ko naman yung dahil kung bakit sya nagkaganyan. But kapag narinig pala sa mga taong nakasaksi nang totoong nangyari, makakaramdam ka pala talaga nang galit .
"Kaya nga ginagawa ko lahat para sa kanya para naman makalimutan nya kahit papano yung Ex nyang yun ee" sagot ko then Mek tap my shoulder.
"Okay ka sa amin Nepp, wala naman kaming nakikitang mali sayo ee. Pero si Zuan ang makakapagsabi kung handa na ba syang magmahal ulit" that was Shenna.
"Hindi naman ako nagmamadali. Handa akong maghintay kahit sobrang tagal pa nyan okay lang".
"Bilib na talaga kami sa tyaga mo. Okay sige pumapayag kami sa panliligaw mo sa kaibigan namin but it doesn't mean na may aasahan ka ahh"
"Alam ko naman yan ee walang problema sa akin yan" sabi ko then inabot nila sa akin yung mga natapos nilang ayusin at baluting pagkain at flowers.
"So paano, puntahan muna, siguro andoon na yun. At bago pa man lumamig yang pagkain dapat andoon kana okay" sabi ni mek then nginitian ako ni Shenna.
"We trust you, hwag mong sisirain at ssamantalahin yun dahil kung hindi uupakan ka namin" banta ni Shenna kaya tumango lang ako.
"Oo promise ko yan sa inyo. Thank you sa pagtulong nyo sa akin ahh. Next time ulit sagot ko kayo" sabi ko then nagpaalam na ako.
--------------
Maxim' Condominium...
Lobby...
Masaya akong naghihintay sa elevator noon. Pasipol-sipol. Pa-cute samay salamim nang elevator at inaamoy-amoy ko pa yung dala kung flowers para kay Zuan.
"Sigurado akong magugulat sya nito at matutuwa kapag nakita nya tong mga dala ko. Lahat pa naman to ee paborito nya." Sabi ko then sumakay na ako nang elevator.
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
RomanceI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...
