Harris' POV.
House...
Abala ako sa pagluluto nang breakfast nang mga oras na yun nang biglang may mag-door bell.
I was expecting Zuan, dahil nagpaalam syang magjujugging sya sa may park.
Slammed Door...
Speechless ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Zuan at ang ex-boyfriend nyang si John. Akay-akay nya to at sobrang close pa talaga nila sa isa't-isa. Paano nga palang di sila magiging close ee akay-akay nga si Zuan diba.
Sa di malamang dahilan, hinatak ko si Zuan. At nakita ko kung paano nya indain ang sakit ng paa nya.
"Aray..." sabi nya nang mahatak ko sya.
"Hindi mo naman sya kailangang hatakin ee" saway ni John saka nya hinawakan si Zuan sa magkabilang siko.
"Ako nang bahala sa kanya" sabi ko then niyakap ko si Zuan. Kaya walang nagawa si John kundi ang umalis na lang.
----------------
Living Room...
Binuhat ko papunta sa living room si Zuan at dinalahan ko nang paunang lunas sa sugat at sa magang paa nya.
"Hindi mo naman na dapat ginawa yun sa kanya" sabi ni Zuan habang nililinis ko ang sugat nya.
"Kung hindi ko gagawin yun, sa tingin mo ba aalis yun kapag di ko yun ginawa?" Tanong ko then tumayo ako at kinuha ko yung towel na nakapatong sa sofa.
Lumapit ako sa kanya at ipinatong ko yung sa lap nya. Bahagyang napaiwas si Zuan nang magtama ang tingin namin.
"Ako--na lang---sana yung nag--paalis sa kanya" utal-utal nyang sagot then binalikan ko yung paa nya.
"Kaya mo kaya syang paalis sa lagay mong yan?" Pabulong kung tanong then nilagyan ko nang yelo yung paa nya.
Bahagya syang napahawak sa balikat ko at sobrang namilipit sya sa sakit.
"Pwede ba, dahan-dahan naman" reklamo nya then pinahiran ko nang alcohol yung sugat nya.
Doon nya na aki sinabunotan . Kaya naman dalawa kaming nahirapan that time.
"Anu ba kasing nangyari at nagkaganito ang paa mo?" Tanong ko then yumuko sya.
"Natisod lang ako habang tumatakbo ako kanina" sagot nya
"Kaya mo ba ako hindi pinasama dahil sa kanya?" Seryoso kung tanong then nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.
"Hindi, hindi yan totoo" pabulong nyang sagot then ako naman ang umiwas.
Silence...
Matagal kaming nanahimik si Zuan ng mga sandaling yun.
"Nakapagluto na ako, mabuti pa kumain na tayo" pambasag ko sa katahimikan kaya tumango sya.
---------------
Pinagprepared ko sya nang coffee, at pagkain bago ako naupo sa harap nya.
"Galit kaba?" Halos ibulong nyang tanong sa akin. Huminga ako nang malalim then umiling lang ako. "Wala kaming ginawa ni John, maniwala ka sa akin Harris" malungkot nya ulit na sabi sa akin.
I sipped some coffee then tinignan ko sya mata sa mata.
"Hindi ako nagagalit at hindi din kita hinuhusgahan Zuan" malumanay kung sagot sa kanya.
"Alam ko nasigawan kita nang suntokin mo si John, sorry kung nagalit man ako sayo, sorry kung di ko sinabi sayo ang totoo" this time namumula na ang mga mata nya, pakiramdam ko iiyak sya.
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
Storie d'amoreI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...
