Ada's POV.
Sobrang bweset na bweset ako nang makita ko kung paano protektahan ni Harris si Zuan. Hindi lang ako ahh, sa buong set pa sila nagkakalat.
"My god, mag-hire nga tayo nang kidnapper. Asar na asar na ako sa Zuan na yan, ang kapal ng mukha, sino ba sya sa akala nya? Hindi sya marunong mahiya at ang sipsip pa"sabi ko then tumawa si Russle
"Ang obvious na nagpapanggap lang sila" sagot nya saka nagtinginan kaming dalawa.
"Yun din ang nararamdaman ko ee" dugtong ko saka naupo kami.
"Hwag kang, mag-alala Ada, diba nga sabi ko sayo, makipagmabutihan ka sa kanya, ipakita mo na tanggap mo sya, na walang problema. At ako na ang bahala sa mga plano natin" pabulong at nakakalokong sabi ni Russle sa akin.
"Kaya mo syang makuha nang walang kahirap-hirap?" Kunot-noo kung tanong
"Kung si Harris nakuha sya, ako pa kaya" nakangiti nyang tugon then grabe yung titig nya kay Zuan.
"Seryoso kaba talaga sa sinasabi mo?"
"Oo naman" maiksi nyang sagot
"Paano mo magagawa yun ee lagi lang nasa bahay si Zuan?"
Tumayo sya at inayus nya ang suot nyang polo.
"Walang mahirap sa taong matyaga at matalino" deretsyahan nyang sagot kaya nahigit ko ang pag-hinga ko.
"Pupwersahin mo sya!?" Malumanay at nakatitig kung tanong.
"Syempre hindi. Aalamin ko lang kung anung mga kahinaan nya. Marami nang dumaang babae sa akin, kaya hindi na ako mahihirapan kay Zuan" lakas loob nyang kasagutan.
-------------
Natapos ang photo shoot at kanya-kanya na ang buong team.
"Nakita mo ba si Russle?" Tanong ko kay Victoria habang abala sya sa kaka-selfie nya.
"Nakita ko sya kanina, kausap nya si Zuan" sagot ni Ken na abala namang tumitingin sa schedules nya.
"Huh? Magkausap sila?" Kunot noo kung tanong. Then nagkubit balikat lang si Ken.
"Nakita kung sinundan ni Russle si Zuan sa labas kanina" sabi noong kaibigan ni Zuan na Megan ata ang pangalan noon.
"Okay, thanks" sagot ko sabay irao kay Megan.
"Tsk, makairap wagas,madapa ka sana" dinig kung bulong nya kaya lalo ko syang inirapan.
------------
Lumabas ako hindi para hanapin sila ahh. Pupunta lang ako sa dressing room.Sige ako sa lakad noon sa hallway. after a while ilang hakbang na lang nsa dressing Room na ako but natigilan ako nang mapansin kung bukas ang dressing room ni Harris.
Kaya bahagya akong sumilip sa pinto.
"Anung ginawa mo dito Russle?" . that was Zuan.
Bahagya kung kinuha ang phone ko at kukuhanan ko sila nang video or picture.
"Gusto ko lang makausap Zuan"
"Ahhh, tungkol--- saan?" Nauutal na tanong ni Zuan kaya Russle.
"Hindi ko na patatagalin pa to', Zuan but, gusto ko lang ipaalam sayo na gusto kita. Gustong-gusto talaga kita" sabi ni Russle then napangiti ako at kinuhanan ko na sila nang video.
"Huh?! Anung---sinasabi mo Russle?" Naguguluhang tanong ni Zuan.
"I knew it,--- kayo-- ni --Harris. But i don't care. I mean anu naman kung kayo. I just want you to know, noong unang kita pa lang natin noon, interesado na ako sayo" pumapalakpak ang tainga ko sa mga sinasabi ni Russle. Ang galing nya sana talaga maniwala at madala si Zuan.
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
RomansaI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...