Harris' POV.
Studio.
Kinausap ko si Ada at Russle tungkol sa rumors na kumalat sa social media. Alam ko kasing apektado din si Zuan doon kahit di nya pa sabihina sa akin.
"Kayo ba ang may gawa ng usap-usapang to'?" Tanong ko kay Ada tgen ngumiti ang si Russle.
"Hindi yan basta Rumors lang Harris, totoo naman yan diba?" Malumanay na tanong ni Russle.
"At isa pa, aminin mo na talagang naggagamitan lang kayo ni Zuan. Nag-set up kayo nag ganito dahil pareho nyong napapakinabangan ang pangangailangan ng isa't-isa diba. Nagkaroon kayo ng mutual dahil nag-enjoy na kayo sa ginagawa nyo" sabi ni Ada kaya naman nilapitan ko sya at hinawakan ko ang magkabilang braso nya.
"Anung sinabi mo?" Tanong ko then inawat ako ni Russle.
"Harris, relax, take it easy, hwag kang pikon dahil totoo naman ang sinabi ni Ada ee" sagot ni Russle kaya sinuntok ko sya.
"Anung karapatan nyong gulohin at husgahan kami huh? Sino ba kayo para panghimasukan ang buhay namin?" Nagagalit kung tanong then kinuwelyuhan ko si Russle.
"TANGA KABA HARRIS? HINDI MO BA ALAM NA YANG BABAING PINAGTATANGOL MO AY ISANG MANLOLOKO" pagkasabi ni Russle noon ee sinuntok ko agad sya ng sinuntok hanggang sa mawalan sya nang malay.
Pinagkaguluhan kami ng buong staff at inawat nila ako dahil nandilim na talaga ang paningin ko ee.
------------------
Police Station.
Wala akong nagawa nang damputin ako ng mga pulis sa studio.
Dumating si Kuya Nexon at kasama nya si Kuya Lucky para ilabas ako sa kulongan.
Balot na balot ako nang ilabas ako sa fire exit nang kulongan.
Walang imik ang dalawa hanggang sa makarating kami sa kotse.
Pak...
Halos mandilim ang paningin ko nang suntokin ako ni Kuya Nexon. Nagdugo ang ilong ko at at nasugat ang labi ko sa suntok na yun.
"What happened? Harris naman, anung ginawa mo kay Russle?" Tanong ni Kuya then sinikmuraan nya ako.
"Ku--ya" pagmamakaawa ko nang sikmuraan nya ulit ako
"Nexon, tama na" awat ni Kuya Lucky then hinila nya si Kuya.
Ilang sandali lang may dumating na sasakyan. Namilipit ako sa sakit kaya halos halikan ko na ang sahig ee.
"HA--RRIS"
Inangat ko ang ulo ko nang mabosesan ko ang taong yun.
"JAX!?" sabi ko then nilapitan nya agad ako.
"JAX...., pwede bang iuwi mo na sya" sabi ni Kuya Lucky then inalalayan ako ni Jax papunta sa kotse nya.
"Mauna na po kami" paalam ni Jax .
------------
House.
Di na ako nagpadala pa sa Hospital dahil baka may makakilala at makakita pa sa akin kaya inuwi na lang ako ni Jax sa bahay.
Binagbukasan kami ni Zuan.
"Harris? ANUNG NANGYARI?" tanong nya then tinulungan niya si Jax sa pag-alalay sa akin.
"Kailangan nya ng first aid Zuan" sabi ni Jax. Then dali-daling kumuha nang gamot at ng mga kakailanganin si Zuan sa Med. Room.
-----------------
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
RomanceI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...
