Chapter 86 : Dying Lorenzo

1.4K 12 0
                                    

Lorenzo' POV.

Continuing.

Hindi ko halos magawang magpigil dahil na rin sa ilang araw at gabi na akong walang pahinga at maayus na tulog.

"Sa huling pagkakataon, hahayaan kitang puntahan si Zuan para kausapin. Ayusin mo kung anung dapat at binabalaan kita Harris, kapag may ginawa ka ulit kay Zuan, makikita mo na talaga kung anung hinahanap mo. Kaya hwag na hwag mong hahawakan ohh gagalawin si Zuan, nagkakaintindihan ba tayo?" Pagbabanta ko kay Harris then inalis nya ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa damit nya.

"Kung makaasta ka daig mo pang asawa ahh. Lorenzo, hamak ka lang na Body guard kaya hwag kang magmagaling at siga." Pabalang na sagot ni Harris kaya naman, bigla ko syang sinikmuran.

"Matagal na akong nagtitimpi sayo Harris ee, sana naman magtanda kana sa mga binibitawan mong salita" nanggagalaiti ko nang sagot sa kanya

"Tsk, baka naman nagkakaganyan ka dahil may namamagitan na rin sa inyo ni Zuan. Alam mo hindi naman ako magugulat kung meron man ee, wild si Zuan, and naiintindihan ko kung....." isang malakas na suntok sa mukha ang binigay ko kay Harris, dahilan para pumutok ang labi nya at magdugo ang ilong nya.

"Ganyan mo ba dumihan ang puri ni Zuan. Ganyan ba kakitid ang utak mo at ganyan mo ba sya husgahan HUH HARRIS, SUMAGOT KA?" galit na galit kung tanong saka kinuwelyuhan ko sya gamit ang dalawa kung nag-aapoy na kamay.

"Ganyan ko sya husgahan dahil tinarantado nya ako. Sa tingin mo matinong babae ang nakikipag-sex sa Ex nya habang  kami pa. Sa palagay mo maniniwala akong walang nangyari sa kanila ni John? At akala mo ba gago ako para hindi makaramdam ng selos, inggit at galit sayo. Ikaw ang kasama ni Zuan, ikaw ang madalas nyang makita , makausap at mapagsabihan nya nang mga nangyayari sa buhay nya.... Tang-ina ganyan din kami nag-umpisa ee, dahil sa akin pansamantala nyang nakalimutan si John, mahina at marupok lang si Zuan, kaya hindi mo ako masisisi kung ganito ako mag-isip, naiintindihan mo?" This time hinila-hila ko ang kwelyo ng damit ni Harris, wala sobrang nanggigigil ako sa mga pinag-sasabi nya tungkol kay Zuan.

"Ang sabihin mo, sobrang baliw na baliw kapa at mahal na mahal mo pa sya kaya ka nagkakaganyan. Alam mo ba, hindi naman talaga natuwa oh naapektuhan si Zuan noong mabalitang nakikipag-sex ka sa iba't-ibang babae ee, actually wala nga akong narinig na panghuhusga oh panlalait mula sa kanya ee. Then noong ipa-broadcast mo na ikakasal kana kay Mavis, wala syang naging reaksyon, alam mo kung bakit? DAHIL NIRESPETO KA NYA, ININTINDI NYA ANG DESISYON MO, AT TINANGGAP NYA ANG PAGKATAO MO AT ANG PAGKALALAKE MO HARRIS." Mandidiing paliwanag ko sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata ni Harris sa akin this time

"TAMA NA" pasigaw nyang awat sa akin

"TAMA NAMAN DIBA? AYAW MO LANG KASING MARINIG ANG TOTOO. PAANO TAKOT KA SA PAMILYA MO, TAKOT KANG PAGTAWANAN ANG PANGALAN MO AT TAKOT KANG MADUNGISAN ANG PANGALAN NYO NG PAMILYA MO. ANU KA NGA BA KUNG HINDI KA OCAMPO? IKAKAMATAY MO BA NA ITAKWIL KA NG MGA KAPATED MO? HARRIS YOU ARE OLD ENOUGH PARA MAGDESISYON KUNG ANUNG GUSTO AT AYAW MO, KUNG ANUNG TAMA AT MALI." sige pa din ako sa pangungutya sa kanya. Gusto kung makita ang galit nyan

"Tumigil kana Lorenzo" pabulong nyang saway then talagang ginalit ko sya.

"STOP ACTING LIKE IKAW LAGI ANG BIDA. SA KAMERA KA LANG AARTE, MAGISING KANA KASI NASA REYALIDADA KANA NG BUHAY. NANG TUNAY NA BUHAY. KUNG SA BAGAY ANG BIDA-BIDA KA LAGI SA ROLE MO EE KAYA NASANAY KA NA IKAW LAGI ANG MAIN CHARACTER, MINSAN LUMUNOK KA DIN NG PRIDE, NGUMUYA KA DIN NG INTEGRITY, AT UMINOM KA DIN NG SINCERITY, NAPAKA- IMMATURED KONG TAO".this time isang napakalakas na suntok ang pinakawalan ni Harris sa kanang pisngi ko na halos ikadurog ng mata ko.

My Pressure Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon