Harris' POV.
Continuing...
Harap-harapan kung nakita kung paano yakapin ni John si Zuan.
At harap-harapan ko ring nakita kung gaano nasasaktan si Zuan. Ni hindi nya man lang ako nakita dahil nagtatalo sila. Gustohin ko mang lumapit at suntokin si John at yakapin na lang si Zuan pero anung karapatan kong gawin yun. Sino ako sa buhay ni Zuan. Tama na muna yung mga nagawa ko sa kanya noon.
I was trying to turn around para bumalik na lang sa may kotse ko nang magtama ang tingin namin ni Zuan. Wala na si John ng mga oras na yun.
"Anung ginagawa mo dito?" tanong nya saka ako lumapit.
Slowmotion...
Hindi ko napigilan ang sarili kung yakapin sya nang mahigpit.
"Wala akong pakialam kahit ipagtabuyan mo ako palayo sayo. Basta hayaan mo lang akong yakapin ka kahit ngayon lang" pakiuasap ko saka ako naiyak ng sobra.
Pinagtulakan, pinaghahampas at pupumiglas sya pero hindi ko hinayaang makawala sya sa pagkakayakap ko.
"Biti-'wan --mo ako. Hin--di ki-ta ma--papa---tawad, kayo ng pa--milya mo" utal-utal nyang sabi then napagod sya. Halos mabitawan ko sya nang unti-unti syang nanghina. Kaya napaupo kami sa damuhan noon at talagang hindi ko sya binitawan.
"Tahana, tumahan kana, mapapagod ka sa ginagawa mo" sabi ko then hinadkan ko ang noo at ang ulo nya. Para mapatahan ko na talaga sya.
"Masaya kana ba? Wala na yung baby ko, wala na yung batang iniissue sayo. Alam mo, kahit pa panagutan mo kami ng anak ko, hindi ka namin tatanggapin, hindi kita hahayaang lapitan sya oh mahawakan man lang sya. Sobrang hirap maging malakas lalo na kung pati yung taong pinanghugutan ko ng lakas at inspirasyon tatalikuran lang ako. Lahat Harris lahat-lahat iniwanan ko para sayo. Ang sakit lang kasi hindi ka nagtiwala sa akin. Hindi ka naniwala na sayo ang batang dinadala ko. Kung hindi lo kami hinayaan at tinanggap mo sana kami at ipinaglaban sa pamilya mo, hindi mangyayari to'" sobrang ang iyak ni Zuan habang sinasabi nya sa akin ang mga bagay na yun. At talagang pinagsisisihan ko na lahat-lahat.
"Nasaktan din ako sa nangyari at sa mga ginawa ko. Patawarin mo ako at sana ganun din ang anak natin" sabi ko then bumangon at bumitaw ako dahil sa pagtulak sa akin ni Zuan.
"Hindi kita mapapatawad. Galit na galit ako sayo at sa pamilya mo" mata sa matang sinabi yun ni Zuan sa akin. Then tumayo na sya at sinabi nya ang bagay na to sa akin. " Alam mo akala ko si John na ang pinaka masamang taong nakilala ko at akala ko mas pressured ang pinagdaanan ko sa kanya. But i just realized, My pressure Ex is you Harris. Sobrang naging magulo ang buhay ko, nawala lahat sa akin dahil sayo. Kung uulitin man ang nangyari sa akin noon, SANA HINDI NA LANG NAKITA, NAKILALA AT MINAHAL. ANG SAKIT-SAKIT MO PALANG MAHALIN" sabi nya na talagang nagpaiyak sa kanya at syempre sa akin ng sobra-sobra. Then tinlikuran nya ako.
Napaluhod ako sa puntod ng anak namin noon. Dahil para akong sinampal ng maraming besis dahil sa sinabing yun ni Zuan.
"Ahhhhhhhh" Sigaw ako then biglang bukuhos ang malakas na ulan.
--------------------
Condo...
"Sigurado ka bang dito kana mag-stay?" Tanong sa akin ng aking manager na si Nanay Lilit.
"Pipiliin ko ang buhay na ganito kesa naman makasama sila. Ayoko nang magkaroon pa ng kahit anung ugnayan kay ate Maggie at kay Kuya Nixon.
"Choosing to be who you are and knowing what you want in life is one of the best decision you've ever made, and I've been waiting for so long na magdesisyon ka para sa sarili mo Harris"
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
RomantiekI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...