Harris' POV.
Pinapanuod ko ang pagpatak nang ulan habang nakababad ako sa phone that time.
Hindi ko alintana ang mga sugat at ang lamig dulot ng masamang panahon at ng tubig ulan sa swimming pool.
"Hindi mo ikakamatay yang tubig dyan, kaya kung ako sayo umahon kana at baka tamaan kapa ng kidlat dyan, mangisay kapa dyan" this time tinignan ko nang masama si Mavis.
"Kung magpapakamatay man ako at tamaan ng kidlat wala ka nang pakialam doon"cold kung sagot, then nagulat ako sinalubong nya ang malakas na ulan.
"Pwes sasamahan kita at papanuorin kitang tamaan ng kidlat at mangisay dito" nakangiti nyang sagot kaya tinignan ko sya nang masama.
"Nababaliw kana ba? Umalis kana lang pwede?"
"Hindi pa naman, pero kung kabaliwan ang pagpapaulan at pagpapakidlat, masasabi kung mas baliw ka. Ang sarap kayang mabuhay kesa mamatay ng turture. Kaya mabuti pa umahon kana bago pa tayo makidlatan dito" bukyaw nya dahil talagang parang kanyon ang lakas ng kulog at malalaki na ang kidlat. Napapaligiran pa naman kami ng mga puno sa Garden.
"Makiramay kana na lang pag namatay ako" sabi ko then nilunod ko ang sarili ko sa kailaliman ng pool.
-------------
Slowmotion...
May hulila sa kamay ko noon kaya naman napatingin na lang ako sa kanya.
"EE GAGO KA PALA TALAGA EE. MAGPAPAKAMATAY KA NGA TALAGA SA HARAP KO PA MISMO." reklamo nya nang makaahon kami.
Hingal na hingal ako at naisuka ko lahat ng nainom kung tubig.
"ANU NA NAMAN TO' HARRIS"
Napaangat ako ng tingin then nakita ko ai Ate Maggie na basang-basa na din sa ulan.
"Hayaan nyo na muna ako" sabi ko nang akmang pagtutulungan nila akong itayo.
"Harris....Harris naman" pahabol ni Mavia but tumakbo na ako papunta sa kwarto ko para di na nya ako abotan pa.
---------------------
Nasa shower area na ako nang maisip ko ang mga nangyari. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit sa pakiramadam ang mawala sayo ang taong pinakamamahal at pinaglalaban mo.
Door slammed at Shower Area.
Natuon ang atensyon ko noon sa bagong dating na si Kuya Nixon.
"Wala kana bang alam gawin kundi ang pahirapan ang sarili mo. Ang sabi ni ate nagpapakamatay ka naman daw ngayon. Diyos ko naman Harris, hindi pa ba sapat ang ginawa mong pagpapahirap sa sarili mo. After mong saktan ang sarili mo, ngayon naman balak mo na talagang mamatay. Sa bangin ka kaya tumalon, oh kumuha ka ng baril at nang matapos na lahat." Sabi nya then pinatay ko ang shower at kumuha ako ng towel.
--------------
"Kung hindi sana ako pinigilan ni Mavis, malamang hindi ko na kailangang tumalon at baril pa ang sarili ko Kuya, sayang di ako namatay" pabalang kung sagot then nagtimpi si Kuya na hwag akong saktan, dahil alam nyan yun ang gusto kung mangyari. Yung mapatay nya ako sa pambubugbog nya.
"Sa tingin mo ba may magbabago kapag ganyan ang inaasal mo. Magising kana nga Harris, hindi ka nagluluksa, hindi ka namatayan at lalong hindi ka gago" napaharap ako noon kay Kuya at hinila ko ang damit nya saka ko sya halos ilambitin.
"Sa tingin mo hindi ako gago, ee ginago nga ako diba. niloko ako, pinaglaruan nila ako. Sabihin mo sa akin Kuya kung sino ang hindi nasaktan. Alam nyong lahat na kaya ko kayong ipagpalit sa kanya. Na kaya kung talikuran kung anu man ang meron ako. Na kaya ko syang tanggapin kahit pa sirang-sira sya. Ang gago ko diba. Ang laki kung gago, yung babaeng halos ikamatay ko sa twing hindi ko sya nakikita at sya rin palang magbibigay ng sakit sa dibdib ko. Saan ako nagkulang? Saan ako nasobrahan Kuya?" This time halos lamunin ko nang buhay ang kuya ko. Halos gusto ko syang panagutin sa lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
RomantizmI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...
