Chapter 82 : The Tension

1.4K 8 0
                                        

Zuan's POV.

Hospital...

Natakot ako nang husto nang mga sandaling dinudugo ako.

"Magpasalamat talaga yang walang hiyang Harris na yan dahil walang nangyaring masama sa inyo ng baby mo Zuan. Dahil hindi talagang idedemanda ko talaga ang animal na yan" gigil na gigil na sabi noon ni Shenna habang pinapakain ako ni Dana.

"Anu ba kasing pumasok sa isip mo at pinapasok mo sa bahay mo yung taong yun?" Nainis na tanong ni Mek

"Nakakanginig talaga ng dugo ahh. Gusto ka pa nyang gahasain. My god, Zuan please naman lumaban ka naman ng patas ngayon, kasuhan mo din sya. Dapat syang makulong" sabi ni Shenna ulit.

"Guys, manahimik nga muna kayo. Natrutruma ng husto sa inyo si Zuan ee. Kailangan nya ng peace of mind. Oo andoon na nga't nangyari na yun. Respetohin natin kung anung desisyon nya" mahinahong sabi ni Amber then tumayo si Dana at padabog na nilapag nya yung pagkain ko.

Then bigla nyang sinugod si Amber.

"Alam mo, kanina ka pa ee. Kung hindi dahil sayo hindi masusundan ni Harris si Zuan. Pabaya ka. Wala ka ring kwenta kung pinigilan mo sana si Harris noon hindi magkakaganito si Zuan ngayon" sinabunotan nya nga eto mabuti na lang at umawat si Mek at Shenna.

"Dana tama na. Sa ginagawa mo lalong matatakot si Zuan nyan" mahinahong sabi ni Mek then nilabas nya na si Amber at naiwan si Dana at Shenna.

Bahagya akong tumalikod sa kanila at tumingin ako noon sa bintana sabay hawak ko sa tyan ko.

"Sorry, hindi ko lang kasi mapigilang mapikon sa babaeng yun ee. Masyado syang pabaya" mahinahong sabi ni Dana kaya naiyak ako but hindi ko yun pinahalaya sa kanila.

"Akala ko kanina mapapahamak na kami ng baby ko. Sa unang pagkakataon, natakot ako kay Harris. Natakot ako na baka sariling ama pa ng baby ko ang kumitil ng buhay nya, natakot ako na baka mawala ang nag-iisang dahilan kung bakit ako lumalaban. Kasi pagod na pagod na ako. Sobrang pagod na pagod na ako" pilit kung tinatago ang pagiyak ko pero di ko mapigilan ee. Ang sakit-sakit sa pakiramdam.

"Kung sakaling napahamak ang baby mo dahil kay Harris, patawarin ako ng Diyos pero mapapatay ko din sya" this time sabay-sabay kaming napatingin sa pinto.

"Isa ka rin ee. Asaan ka ba at wala ka sa tabi ni Zuan ng mga sandaling yun" tanong ni Dana kay Lorenzo

"May pinabili sa akin si Amber noon at talagang natagalan ako. Hindi ko naman alam na hindi nya sinamahan si Zuan. Ang akala ko kasi sya ang kasama nitong lalabas kaya naging kampante ako" sagot nya then tiningnan nya ako.

"Nangyari na yun kaya hwag na kayong magsisihan pa. At mabuti na rin yun. Atleast alam kung hindi matatanggap ni Harris ang anak namin. Walang problema sa akin yun. Never ako maghahabol at magmamakaaawa sa kanya na tanggapin nya tong anak ko. Kaya kung buhayin at palakihin ang anak ko nang walang kahit sinong tumatayong ama" sabi ko then hinaplos ni Shenna ang likod ko, then niyakap nya ako ng mahigpit.

------------------------

Lumipas ang ilang araw..

Di ako pinayagan ng Doctor dahil hindi ako nagkakain at umiinom ng mga gamot ko.

Kung di lang talaga ako tinakot ni Dana na anumang oras pwede akong makunan, di hindi ako magkukusa.

"Aayusin ko lang yung billing natin,dyan ka lang at hwag kang aalis sa wheelchair na yan" mahigpit na bilin sa akin ni Amber
Tango lang ang naging sagot ko kaya mabilis syang nawal sa paningin ko.

Nasa Garden ako ng Hospital noon at inaantay ko si Amber dahil baka payagan na akong lumabas noong Doctor ko.

Slowmotion...

My Pressure Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon