Harris' POV.
House...
Kadarating ko lang galing sa isang Autograph Signing noon at pagod na pagod talaga ako.
Pagkasara na pagkasara ko ng Main Door bumukas ang ilaw sa living room. Inakala kung si Jax yun but i was wronged.
"May unwanted guest pala ako" sabi ko nang makilala ko kung sino sya.
"Mabuti naman at dumating kana" sagot nya sa akin saka sya lumapit
"Paano ka nakapasok sa bahay ko?" Tanong ko nang magkasalubong ang tingin namin.
"Dumaan ako sa pinto" pilosopo nyang sagot kaya naman natawa ako ng bahagya.
"Hahaha...Trespassing kaya mabuti pa umalis kana bago pa ako magpatawag ng pulis" banta ko sa kanya then ako naman ang pinagtawanan nya.
"Nakakalimutan mo atang Pulis din ako. And i assured you na walang naglalakas loob na humuli sa akin" pagyayabang nya.
"Anu bang kailangan mo?" Seryoso kung tanong kaya naman, nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya.
"Pinaki-usapan ako ni Zuan na hwag akong gagawa ng kahit anung ikakasama at ikakapahamak mo Harris. Oo nangako ako sa kanya at pinalagpas ko ang ginawa mo. Pero sa pangalawang pagkakataon hindi ko na yun mapapalagpas pa. Malinaw naman ang lahat na sinadya ang pagpapakalat ng DNA Result ahh at walang kinalaman doon si Zuan. Bakit kailangan nyo syang sisisihin. At ikaw anung karapatan mong saktan ang feelings nya, nainform kaba na halos mapahamak sya sa pagsugod mo sa kanya?" This time huminga ako nang malalim at di ko inintindi ang sinabi nya
"Wala akong pananagotan sa kanya. At kung anuman yung nangyari, hindi ko yun kasalanan" nakangisi kung sagot kaya naman tinignan nya ako nang masama at hinila nya agad ang damit ko at gigil na gigil syang suntokin ako.
"Hwag na hwag mong pagsasalitaan si Zuan ng ganyan dahil hindi mo alam at wala ka sa tabi nya para makita kung gaano kahirap at kamesirable ang sitwasyon nya" banta nya then inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa damit ko.
"Kung napapaniwala at napapaikot nya kayo pwes hindi ako kagaya nyo" may sama ng loob kung sagot
"Kung pwede lang sanang dayain ang katotohanan, sana hindi na lang ikaw ang naging ama ng batang dinadala ni Zuan. Wala kang pinag-iba sa lalakeng takot sa responsibilidad. Makasarili ka Harris. Hindi ako mag-aaksaya nang panahon sayo kung hindi totoo ang lahat"
"Tama na, hwag nyo nang ipagpilitan ang gusto nyo dahil mapapagod lang kayo" tinulak ko sya kaya naman nabitawan nya ako.
"Maniniwala ka kaya kung sabihin ko sayong sinugod ng ate mo si Zuan sa Hospital, sinampal nya to at binabarayan para lang tumigil na si Zuan. Pero sa tingin mo anung dahilan ng ate mo kung bakit ganun na lang ang galit nya kay Zuan. For your information Harris, hindi anak ni Lucky ang panganay na anak ng Ate Maggie mo, kundi anak lang sya sa ibang lalake ng ate mo." this time napalunok ako at hindi ko alam kung anung sasabihin ko sa binulgar na yun ni Lorenzo. " Mas mahirap paniwalaan diba? Sa tingin mo sinong sinungaling Si Zuan oh ang Ate Maggie mo?"
"Hwag kang gumawa ng kwento para lang...." natigilana ko ang ibato nya yung papel sa akin.
"Eto ang mga patunay kung sino ang biological father noong pamangkin mo. At andyan din ang mga statement, proof and documents na biktima kayo nang panloloko ni Nepp. Basahin mong mabuti at pag-aralan mo. Hindi kita pipilitin pagkatiwalaan ako. Ikaw ang magdedesisyon. Bago kapa kamuhian ng tuluyan ni Zuan." Sabi nya then mabilis syang umalis.
-------------------------
Restaurant...
Pinagtawag ko si Jax at ang kaibigan naming nagtatrabaho sa korte.
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
Storie d'amoreI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...
