Chapter 76 : Decision Matters

1.4K 8 0
                                    

Zuan's POV.

In my Room.

Inulit-ulit kung binasa at pinag-aralan ang mga test result na binigay sa akin ni Lorenzo. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na gawa-gawa lang talaga ni John yung video scandal namin at mga hubad kung larawan.

I was trying to convince myself na panaginip ang lahat ng to'. Na sana kung totoo na to.

"Kung panaginip man to', ayoko nang magising pa." Sabi ko sa sarili ko then tinawagan ko si Mek. But suddenly nagbukas ang pinto mg kwarto ko.

------------------

"Dinalhan kita ng gatas" sabi nang bagong dating na si Lorenzo

"Hindi kana sana nag-abala pa" with a cold voice kung sagot sa kanya at di ko man lang sya tinignan. Tutok na tutok kasi ako sa mga papel na hawak ko ee.

"Pwede ba yun.? Ahm sya nga pala umalis na pala si Amber"tanong ko then inabot nya sa akin yung gatas then nanahimik ako sandali.

"Tungkol sa mga papel na to', paano ako makakasigurong  totoo ang mga to'?" Tanong ko then lumapit sya sa akin.

"Kung gusto mo ipapaulit natin ang test" maiksi nyang sagot.

"Anu bang alam mo sa mga pweding mangyari kung malaman ko talaga ang totoo?" Seryoso at may taas ang boses kung tanong sa kanya.

"Magiging malinaw at masasagot lahat ang katanungang  mo na noon pa gustong malaman. Dahil alam mo sa sarili mo Zuan na maski ikaw hindi alam ang totoong sagot sa mga katanungan mo" tumayo ako at nilapitan ko sya.

"Ginagawa mo to', dahil ginugulo mo lang ang utak ko. Naawa ka sa kalagayan ko, dahil ang laki kung tanga. Nagpagamit ako,  nagpakagaga ako at nagpabuntis pa ako, at ang imoral mo pa, hindi ko alam kung sino ang tunay na ama ng dinadala ko. Tama ba ako sa mga sinabi ko?" Umiiyak kung tanong then talagang halos tumulo ang sipon ko ahh.

Huminga sya nang malalim then nagkatitigan kami.

"Nagmahal ka lang. Bakit ba inaako mo ang dapat na hindi naman sinisisi sayo. Bakit ba pakiramdam mo  kasalanan mong ipinanganak ka sa mundong to? Bakit ba iniisip mo na ikaw lagi ang mali kahit hindi naman talaga.  Bakit hinahayaan mong ibaba ng husto ang sarili mo para sa iba? Tao ka lang Zuan, nagkakamali at nagkakasala ka pero mabuti kang tao. Maski ako nasasaktan sa ginagawa mo sa sarili mo. Please mahalin at bigyan mo naman nang pagpapahalaga ang sarili mo, respetohin at itaas mo ang sarili mo Zuan" sabi nya na lalong nagpa-iyak sa akin ng sobra.

"Bunga ako ng kasalanan ng mga magulang ko kaya malas ako sa lahat. Malas. At kahit anung gawin ko walang magmamahal sa akin" sagot ko habang nakayoko.

"Bago mo mahalin yang batang dinadala mo, subukan mong mahalin muna ang sarili mo, bigyan mo nang kalayaan ang sarili mo" sabi nya kaya tinignan ko sya nang masama.

"Wala kang karapatang diktahan ako sa magiging desisyon ko Lorenzo".

"Sa tingin mo ba matatahimik ka, makakaya nang konsensya mo na ipagkait sa anak mo ang tunay na ama nya. At ipagkakait mo din ba kay Harris ang totoo. Zuan karapatan mo na maghabol at linisin ang pangalan mo"  sabi nya then sinampal ko sya.

"Kung ang mga papel na yang ang katibayan mo na anak nga ni Harris ang batang dinadala ko pwes, para malaman mo hinding-hindi ko ipapaulit ang test. Kaya kung ayaw mong paalisin kita sa bahay na to, hindi mo na ako gugulohin pa tungkol dyan" galit kung sagot

This time biglang akong nakarinig nang munting hikbi sa likuran ni Lorenzo.

----------------

"AM---BER!??" nabigla ako nang makita ko sya at umiiyak sa may pintoan.

My Pressure Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon