Amber's POV.
Continuing...
Flashback...
Ang pagpatay kay Mitch.
Kitang-kita ang dalawang mata ko noon kung paano barilin ni John si Mitch habang nagmamakawa itong palayain na lang sya.
Paano naman, nakita ni John ang pagpuslit ni Mitch sa kanyang kulongan habang abala ang lahat sa pagplaplano kung paano tatapusin si Lorenzo.
"Tatakasan mo pa ako huh" pagbulyaw ni John kay Mitch habang sakal-sakal nya to.
"Plea---se...ayo----ko....gusto---ko nang'---talikuran---to John" pagmamakaawa noon ni Mitch kay John habang titig na titig ako sa kawawang sitwasyon ni Mitch.
Halos lumpohin ni John kasi si Mitch nang mga sandaling yun.
Masasabi kung hindi na sya tao, kundi isa na syang masamang uri ng halimaw. Lahat nang maisip nya, lahat ng ayaw nya, lahat ng mali sa akala nya, pinapahirapan nya, pinarurusahan nya at pinapatay nya. Inisip ko ang sitwasyon ko sa sitwasyon ni Mitch. Alam kung kaya nya din akong patayin sa saliri nyang mga kamay. At sana hindi dumating ang araw na yun.
"May balak kang mag-sumbong, at tumakas ahh. Kung inaakala mo na makakaalis ka sa kinalalagyan mo ngayon, pwes para malaman mo at maitatak mo dyang sa utak mo. Sa kamay ko ka mamatay Mitch."sabi ni John saka nya itinutok ang baril sa ulo ni Mitch.
Kinabahan ako at nakaramdam ako ng matinding takot at awa noon para kay Mitch.
But sino ako para pigilan si John. Kaya nya rin akong isunod sa oras na nanlaban at sinuway ko sya para lang iligtas si Mitch.
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
RomansaI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...
