Harris' POV
Parking Lot.
Kalalabas ko lang noon sa kotse ko nang may biglang sumuntok sa mukha ko. Tumalsik agad ako at pumutok ang pang-ibaba kung labi. Pakiramdam ko nga niyanig ng suntok na yun ang lupang ginalawan ko ee.
Kaboomm..pak.....
"Sino kayo? Anung kailangan nyo sa akin?" Tanong ko nang makabangon ako.
"Ganti yan dahil sa atraso mo Harris" sagot noong lalaking nanuntok sa akin.
Bali apat sila. Sa di ko inaasahang pangyayari, kinuyog nila ako at pinagsusuntok.
"Tapusin na natin sya"
"Ang bilin ni Boss, pahirapan natin sya"
"Siguro naman magtatanda na sya"
"Bilisan na natin bago pa tayo makita ng mga bantay dito" .
Sabi nilang lahat saka tumigil sila sa kakabugbog sa akin.
"Tandaan mo to', Harris, kikilalanin mo muna kung sino ang taong babanggain mo bago ka gumawa ng gulo" banta noong isa then sinipa nya ako sa braso, dahilan para manghina ako ng husto.
Wala halos akong maaninagang liwanag oh kahit na anu dahil sa dugo at namamaga kung mata .
Tuluyan na nga akong napahiga sa sahig. Tinignan ko ang kalangitan, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nila akong pinatay.
Di nagtagal, nakarinig na ako ng mga sigaw at mga nagtatakbuhan.
-------------
Hospital...
Lumipas ang halos anim na oras.
Paggising ko bumungad sa akin si Jax at Toby.
"Ohh Harris, salamat sa diyos at nagkamalay kana" laking tuwang bungad ni Jax sa akin.
"Sir sobrang nag-alala kami ng husto sa inyo, laking pasalamat namin sa mga taong nag-dala sa inyo dito" sabi naman ni Toby saka ako dahan-dahang naupo.
Bakas sa kilos at galaw ko ang matinding pag-inda ko ng sakit ng kawatan at sugat na natamo ko sa pangunguyog sa akin ng mga di pa nakikilalang kalalakihan.
"Akala ko tutuloyan na nila ako kanina" pabiro kung tanong then tinignan ako ni Jax.
"Malakas ang kutob kung gumanti si Russle sayo, at mga tauhan ng Papa nya yung mga taong kumuyog sayo Harris" deretchang sabi ni jax then sinang-ayonan yun ni Toby.
"Alam ko" mahina kung sagot.
"Laman ka ng balita ngayon, galit na galit ang ate Maggie at kuya Nixon mo, ni ayaw ka nga nilang palapitan sa kahit na sino ee" may takot na saad ni Jax sa akin.
"Alam na ba ni Zuan ang nangyari sa---akin --ngayon?" Nauutal kung tanong then tumango si Jax.
"Tinawagan ko sya kanina, nabanggit ko na to' sa kanya, kanina pa sya nasa labas, ang putla-putla nga nya. Nakakaawa ang itsyura nya Harris" malungkot na sagot nya sa akin.
"Bakit? Anung nangyari sa kanya? At anung sabi nya?" Nag-aalala kung tanong sa kanya.
"Ang sabi ni Amber may sakit daw sya, kanina pa sya naghihintay na makapasok dito, kaso masyadong mahigpit ang mga bantay sa labas, at mahigpit na pinaghipin ng ate mo na hwag na hwag papasukin si Zuan dito" sabi nya then bumangon ako.
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
RomanceI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...
