Chapter 63 : Accusation

1.4K 12 0
                                        

Zuan's POV.

Condo....

Nagwala ako nang makarating ako sa unit ko. Mabuti na lang at dumating kaagad si Amber.

"Anu bang nangyari? Alam mo bang halos mabaliw-baliw na ako kakahanap sayo. Iniwanan lang kita sandali Zuan, bigla ka na nang nawala" nagagalit na sermon sa akin ni Amber then halos di ako makahinga sa kakaiyak ko.

"Hindi--ko--kaya--hindi ko kakayanin-na tuloyan syang mawala sa akin" sabi ko saka ako nilapitan ni Amber.

"Anu bang sinasabi mo?" Tanong nya then hinawi nya ang buhok na humaharang sa mukha ko.

"Kanina--nag-usap kami--tapos--akala ko  nakikiusap sya na balikan ko sya, ---nagulat ako at hindi ako naging handa sa mga sinabi nya.--amg sakit-sakit Amber, yung sa kanya na mismo manggaling yun, yung sya mismo ang bibitaw, at mangiiwan"

"Ee diba yan din naman ang gusto mo ? Yung layuan ka nya. Ayaw mo ba noon iiwasan kana nya, hindi na sya maghahabol pa, at hindi kana nya guguluhin"
Lalo akong naiyak sa sinabing yun ni Amber.

"Ang hirap Amber, sobrang hirap" niyakap ako ni Amber then sige pa din ako sa iyak ako nang iyak.

"Ikukuha lang kita nang tubig, at maglilinis ka okay, magpapahinga ka after, then mag-uusap tayo. Zuan, tandaan mo na kapag nanghihina ka at may nararamdaman ka, pati yan baby sa tyan mo nadadamay" sabi nya then tumango ako.

---------

Nahiga ako after akong maglinis at mapakain ni Amber. Sige ako sa paghikbi habang nakatingin ako sa kawalan.

"Hindi mo pa rin ba nauubos yan?" Tanong ni Amber nang bigyan nya ako nang gatas

"Ayaw tumigil ee" sagot ko then hinawakan ko ang tyan ko.

"May masakit ba?" Seryos nyang tanong then umiling ako.

"Nag-aalala lang sa baby ko, baka kasi sya ang maz mahirapan sa nangyayari sa akin ngayon" malungkot at nanghihina kung tygon kay Amber.

"Anu ba kasing dahilan nya bakit biglaan?" Tanong nya then huminga ako ng malalim.

"Nalaman nya ang tungkol sa video scandal na pinasa sa akin ni John sa akin?"

Nanlaki ang nga mata ni Amber sa sinabi ko.

"ANU? PAANO? AT SINONG GAGONG NAGPAKALAT NOON?" Galit na galit nyang tanong then huminga ako ng malalim.

"Isa lang naman ang pweding gumawa nyan  ee" sagot ko then huminga ng malalim si Amber.

"Si John?" Naiinis nyang sagot then umiling ako.

"Kinumpronta na ako ni Ms. Maggie tungkol sa video at pictures na yan, kaya napilitan akong hiwalayan si Harris. Binantaan nya akon, ni hindi sya nakinig sa paliwanag ko. Tinakot nya akong sisirain nya ang lahat Amber." Paliwanag ko.

"So si Miss Maggie nga talaga ang nagpakalat nyan at kaya nakita ni Harris ang video  at pictures na hawak ni John"

"Malakas ang kutob  ko na sya yun. Pero ang pinaka-utak nyan at si John at wala nang iba pa." Sagot ko then nanggigil nang husto sa galit si Amber.

"Alam mo kahit kelan talaga yang John na yan ee. Wala nang magandang naidulot yang taong yan sayo ee. Alam mo ipapahanap ko sya at pagbabayarin ko sya sa lahat ng atraso nya sa sayo Zuan. Lahat na lang ba sisirain nya para lang magulo ang buhay mo. Anung klase syang tao at anung klase syang lalake. Gago sya gago talaga" sabi ni Amber then umiyak sya sabay talikod sa akin.

"Kung parusa man sa akin to nang Diyos sa mga maling nagawa ko sa buhay ko, tatanggapin ko. Wala naman akong magagawa ee" sagot ko na talagang nag-paiyak ng husto kay Amber.

My Pressure Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon