Chapter 43 : Fears

1.6K 14 0
                                        

Harris' POV.

Playroom...

Nabangit sa akin ni Jax ang sinabi ni Megan tungkol sa pagdating ng Ex-boyfriend ni Zuan. At mag-stay dito ngayon nang matagal.

"Nababahala kaba?" Tanong ni Jax sa akin habang naglalaro kami ng game online.

"Bakit naman?" Taka kung tanong then tumingin sya nang nakakaloko sa akin.

"Galit na galit ang mga kaibigan ni Zuan sa kanya dahil pumayag tong makipag-kita kay John. And you know what, talagang ang kapal lang nang mukha nang John na yun dahil, sa hotel pa nya napiling lugat para magkita sila ni Zuan ahh. Look pag ganyan ang isang lalake may balak yan. Di lingid sa kaalaman ni John na mahal na mahal sya ni Zuan. At hindi rin naman natin masisisi si Zuan kung anung maging resulta nang usapan nila, either closure or balikan yun"  litanya ni Jax then  natigilan na lang ako at nawalan ng gana sa paglalaro.

"Hindi pa dumarating si Zuan at wala naman syang sinasabi sa akin tungkol sa pagkikita nila ee"

"Paano nya sasabihin at bakit kailangan nyang sabihin pa sayo. Do she needs  to have your permission?  Pinsan Oo nga at kayo ni Zuan but nagpapanggap lang kayo ee. Naiintindihan mo ba yung punto ko?" Seryosong sabi ni Jax then medyo naririndi ako kaya umiwas ako nang bahagya.

"Lalabas lang muna ako." Paaalam ko dahil parang di ko maatim na pakinggan ang mga sinasabi nya.

------------

Garden...

Napansin ko ang pagdating ni Zuan kaya dali-dali akong pumunta sa Garden. But parang may kumirot sa puso ko nang makita ko syang may kausap sa phone at umiyak.

Then narinig ko ang pangalang John.

Bahagya akong nagtago ss gilid nang pinto para di nya ako mapansin.

It hurts me a lot kapag nakikita ko syang ganyan. Why she needs to communicate with his ex.

-----------------

Natapos ang usapan nila. Hindi ko naawat ang sarili kung yakapin sya mula sa likuran.

Nagulat sya sa ginawa ko kaya dali-dali nyang pinunasan ang mga luha nya.

"Madalas sa shooting tong ganitong eksena. Sabi kasi nila para ma-comfort mo ang isang tao, yakapin mo sya mula sa likuran at hayaan mo lang syang umiyak" sabi ko then hinawakan ni Zuan ang bisig kung nakayakap sa kanya. Walamg kahit anung salita ang lumabas sa bibig ni Zuan. But ramdam kung gaano kabigat ang pakiramdam nya ngayon.

--------------

Hindi nakakain ng dinner si Zuan. Talaga bang apektado sya ng sobra sa pagkikita nila nang ex-boyfriend nya.

Nasa Study Room ako dahil hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Kahit pagod at puyat pa ako.

"Gising--kapa-pala?"

Napalingon ako noon sa may dakong pinto.

"Hindi ako makatulog ee" mahina kung sagot.

"Parehas pala--tayo" sabi nya then binuksan nya ang dala nyang laptop.

"Don't tell me, dis oras nang gabi magtatrabaho kapa?" Ngumiti lang sya.

"Buong araw akong nawala kaya wala akong nagawa ni isa sa mga documents na kakailanganin....." natigilan sya nang bigla kung kunin ang laptop nya.

"Your not okay. Magpahinga ka naman. Magang-maga na yang mga mata mo kakaiyak. Anu ba kasing problema?" Pagtatanong ko kunwari sa kanya.

"Nag-usap na kayo ni Jax, alam ko na nabanggit nya na sayo lahat Harris"

My Pressure Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon