Chapter 27 : Unwanted Points

1.7K 19 0
                                    

Zuan's POV

Cr...

Sige ako sa pagsusuka. At ang sama pa ng pakiramdam ko kagabi pa. Tinawagn mo si Sheena dahil finally tumawag na rin sila sa akin. But si Mek naka-out of the country pa rin.

Wala akong narinig na komento mula sa kanilang tatlo. Even kay Nepp wala, nahiya lang ako nang makita nya ang hickey sa leeg ko.

I was trying to open the door noong Cr nang kusang magbukas to' at  bumungad sa akin si Sheena.

"You look sick? Okay ka lang ba" tanong ni Sheena then inayus ko ang sarili ko.

"Ahm oo naman okay lang ako" sabi ko then tumingin sya sa leeg ko sabay sa may tummy ko nq hawak-hawak ko.

--------------

"Hwag mong sabihing may nangyari nga talaga sa inyo ni Harris, at kaya ka nagkakaganyan dahil buntis kana." Deretyahang sabi ni Sheena then hinila nya ako.

"Anu bang sinasabi mo? Nababaliw kana ba Sheena?" Inis sabay iwas kung sagot sa kanya.

"Kilala ka namin Zuan. Mapagtago ka but this time hindi kana makakapagtago. Sabihin mo sa akin. May nanagyari talaga sa inyo ni Harrus noh?" Seryoso at naiiyak na tanong ni Sheena.

Kaya naman natatakot ako at kinabahan. Sa totoo lang naisip ko tony bagay na to nang makaramdam ako nang pagbabago sa katawan ko.

Inalis ko ang mga kamay ni Sheena nakahawak sa balikat ko.

"Lasing na lasing kami nang gabing yun. Hindi namin alam kung anung nangyari. Basta paggising na lang namin magkatabi kami, wala akong suot ni kahit na anung saplot, at ganun din sya. So anu masaya kana. Oo 100% may nangyari sa amin. Satisfied kana?" Naiiyak kung tanong then umiling sya.

"Ayaw naming maniwala noong una. But Zuan bakit? Bakit mo hinayaang nangyari yun? Ni hindi mo pa nga kabisado yung Harris na yun eh" sobrang nag-aalala nyang sabi kaya naman sinagot ko sya.

"Hindi naman sa  pumayag at ginusto ko yung nangyari. Lasing kami, langong-lango sa alak. At Sheena please nakikiusap ako ipangako mo sa akin na walang makakaalam nang bagay na to tayo-tayo lang" pakiusap ko then naiiyak at nangangatog ang mga tuhod ko that time.

This time niyakap ako nang mahigpit ni Sheena kaya naiyak talaga ako.

Hindi ko alam kung anung gagawin ko kung sakali man talagang buntis ako. Paano ko dadalhin ang anak namin ni Harris ni wala ngang estado ang relasyon namin. Paano ko pa kaya ipapaliwanag sa mga mapanghusgang tao na aksidente lang yun at di namin kagustuhan? Paano ko ipapaintindi sa mga taong malalapit sa akin ang sitwasyon ko. Masisira a.mng buhay ki ang career ko kung sakali mang mabuntis ako nang wala sa oras.

-------------------

Binilhan ako ni Sheena nang Pregnancy test. Apat kaya naman namumutla ako sa nerbyos eh. Natatakot ako sa magiging resulta.

"Anu ba kelan mo ba balak mag-PT para naman makauwi man lang ako at makapagtrabaho Zuan!?" Inis na tanong ni Sheena habang nagluluto sya nang lunch ko ay namin pala.

--------------

The Test...

Tumingin ako sa itaas nang angatin yung Pregnancy Test.

"Diyos ko po, gusto ko nang magka-baby pero hindi sa ganitong paraan, hindi sa mga oras na to', at hindi sa lalaking yun. Hindi pa ho ako handa sa mga mangyayari. Sana ho wala hobg namumuong buhay sa loob nang matres ko" sabi ko then pawis na pawis akong tumingin doon sa Pregnancy  Test.

Napangiti ako nang makita kung negative yung result. Isang guhit lang eh..

Kumuha ulit ako nang isa at sinubukan ko ulit na e-check yun.

My Pressure Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon