Zuan's POV.
Morning...
Sobrang bigat pa din ng pakiramdam ko. Halos di ko nga maimulat ang mga mata ko dahil sa kaiiyak at di ko pagtulog ng maayus.
I'm still wasted. I think I'm in a middle of depression. Di ako makakita ng good side or even right decision.
Text Message...
Unknown Number...
Natuong ang attention ko noon sa phone ko. Kinuha ko to at agad ko ring tinaob sa may kama. Wala akong gana sa lahat. Parang pakiramdam ko ang sobrang lungkot at sobrang nasasaktan ako.
"Baby? Baby? Please don't look at Mommy right now. Hindi ko kasi alam kung paano ako magiging okay at kung paano ako mabubuhay simula ng mawala ka ee."
Naupo ako sa sahid noon at yakap-yakap ko ang magkabilang tuhod ko habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat ko.
-------
Door Slammed...
Agad-agad na may lumapit sa akin noon. Kaya naman bahagya akong tumingin nang buksan nya ang mga kurtina mg kwarto ko.
"Zuan...please naman tulungan mo yung sarili mong bumangon ulit ohh" mahinahong sabi ni Shenna then lumapit sya sa akin at inayus nya ang buhok kung gulong-gulo.
"Hayaan nyo muna ako Shenna." Mahina kung sagot then inangat nya ang mukha ko para magkaharap kami.
"Nilalamon kana nga ng kalungkotan tapos hahayaan ka namin? Hwag mo namang hayaang tumigil nang ganyan ang mundo mo dahil kay Mateo. Alam ko ang pinagdadaanan mo dahil nawalan na din ako ng anak. Masakit, sobrang masakit pero wala na tayong magagawa diba?"naiiyak na sabi ni Shenna then umiwas ako mg tingin sa kanya.
"Iba yung nangyari sayo at iba rin yung sa akin. Yung sayo nawala dahil sakunan ka, yung sa akin nawala dahil sinadya nila. Matatanggap ko pa sana kung---kung nawala....yung anak ko sa kapa---bayaan ko sa pag--papalaki at pagdadala sa kanya----pero hindi ee.....hindi ganun yung nangyari...nawala sya dahil hindi sya matanggap ng mga taong yun. Na sa paraang yun makakaganti sila sa akin, na mas masasaktan ako ng sobra sa ginawa nila....."
Umiiyak ko nang paliwanag then niyakap ako ni Shenna.
"Sssshhh...tumahan kana. Naiintindihan kita. Ipagdasal na lang natin na maging okay ka na makuha mo yung katarungan sa nangyari sa anak mo. Hayaan mo, hindi kami tumitigil sa pag-hahanap ng mga taong pwedeng tumulong sa atin"
"Kung hindi ko man makuha ang katarungan sa pagkawala ng anak ko, pwes patawarin ako ng Diyos sa pwede kung magawa sa mga taong walang awang kumitil ng buhay ni Mateo" sabinko then nanlilisik ang mga mata ko ng mga sandaling yun.
Then tumayo ako at tinungo ko ang cabinet ko.
---------------
Nakasunod pala sa akin noon si Shenna.
"Tandaan mo na masama ang gumanti sa kaaway. Hayaan mong karma ang maningil para sayo sa kanila Zuan. Hwag na hwag mong paiiralin ang galit at poot sa mga gagawin mo" pag-papaalala sa akin ni Shenna then dumating si Dana.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dana nang magbihis ako at kinuha ko yung susi ng sasakyan ko at ang phone ko.
"Hayaan nyo na muna ako. Problema ko to, buhay ko to', at laban ko to', mag-isa" sabi ko then hinila ni Dana ang braso ko noong akmang palabas na ako sa kwarto.
"Zuan, kung sa mga librong ginawa mo ay nakakagawa ka ng mga iba't-ibang scenario at concept tungkol sa revenge. Pwes hindi mo yung gagawin sa totoong buhay. Anumg akala mo na kapag sinugod mo sya at inakusahan mo sya doon may maniniwala? May kakampi sayo at may mangyayari? Sa tingin mo ba hindi kami gumagawa ng paraan , ng patas na laban para lang mabigyan ng katarungan ang anak mo? Naisa-isa na namin ang mga magagaling na abogado para sa kaso pero walang may gustong kumalaban kay Maggie Ocampo. Pero hindi kami nawawalan ng pag-asa para sa justice nag anak mo" naluluhang paliwanag ni Dana sa akin.
BINABASA MO ANG
My Pressure Ex
RomanceI'm Camila Zuan Garcia, isang babaeng masukista, sadista, suplada at galit sa mundo. Bitter daw ako, Man-hater and looser. Walang naging magandang epekto sa akin noong mabalewala ako. Wala akong nakitang exuces kung bakit ako iniwan at wala akong...
