JIA POV
Naiwan ako sa conference room dahil lumabas na ang magaling nilang CEO sa room at ang daddy nito.
Paano, ipinagpipilitan niya kasing siya na lang ang gumawa ng designs mag-isa.
"Feeling masyado na magaling siya, hindi lang siya ang taong marunong magdesign. Ang taas ng ere niya, akala ko pa naman mabait ang CEO gaya ng mga naririnig ko. Mali pala. Masama pala ang ugali niya." (bulong ko sa sarili)
Pero, mas gusto ko yung daddy niya. Mas practical at mas makatao makipag-usap at makipagdeal. Pero yung isa puro hangin lang ang naman ang ipinapakita niya at kagaspangan ng ugali niya.
No wonder why, ganun na lang siya umasta ng magkabanggaan ang kotse naming dalawa kanina. She is too arrogant and too hambog.
I was actually stunned ng makita ko siya at malamang siya pala ang CEO ng kompanya. Pero hindi ko naman ipinahalata, I won't give her such satisfaction.
Isa pa syempre hindi ako papa agrabyado sa kanya kahit sabihing mas malaki at mas kilala ang kompanya nila.
Sa umpisa pa lang ng usapan, ay talaga namang nagpapaimpress siya at pabida bida siya sa lahat. Jollibee lang ang peg. Kaya naman hindi ako papayag na sapawan niya ako.
Nananadya siyang gawin na magpasikat para iparamdam sa akin na mas superior siya kaysa sa akin. At syempre hindi ko yun palalagpasin. Lalabanan ko talaga siya. Walang Morado na duwag.
Kaya halos sa buong discussions or conversations ay nagpapalitan lang kaming dalawa ng mga salita sa loob ng conference hall.
And since nang-aasar siya, aasarin ko din siya lalo. Nakita ko kasi na nang gigil siya ng banggitin ko na ang kompanya ang hahawak ng para sa designs.
Alam ko na magrereact sila, expected ko naman na may disagreement kung kaya ay kailangam na magmeet kami half-way, napaghandaan ko naman na ang mga possibilities sa lahat ng terms and conditions.
Hindi naman sana ako makikipagtalo pa sa bagay na yun. Isa pa, malaking pabor na nga sa amin na ang kampanya namin ang napili nila.
Kaso lang, gusto ko lang gumanti sa napaka ubod na arrogante nilang CEO. She is really pissing me off. Nakakagigil siya umasta.
I was actually a bit of surprise kasi wala naman silang kahit na anong complaint or words regarding some of the terms and conditions.
Kapag ibang company kasi, they would present their own terms and conditions lalo pa kapag hindi pabor sa kanila ang sitwasyon. Lalo kapar superior company sila.
But it seems like, when it comes to the Parleon Company, money is not an issue to them. They were after the quality of the work and the items. That's their reputation. And nakita ko yan today.
Set aside mo na sa equation ang para sa mga employees nila. They are known for caring for their workers kaya naman sinusuklian din ito ng mga trabahador nila.
I admire what I am hearing about the Parleon right now except for one, yung kanilang aroganteng CEO. Makita ko lang siya nakakainit na talaga ng ulo.
Paano, her face reminds me of Camy na nayupi dahil sa kanya. Yung aksidente, tumataas ang dugo ko kapag naaalala ko.
Tapos nakakainit pa lalo kapag nagsimula na siyang magsalita. She has the voice of power and authority. Kapag sinabi niya, sinabi niya. Tapos dagdag mo pa ang smirk niya.
I just hated everything about her. I never felt so furios to someone like this. Ngayon lang at sa CEO pa ng Parleon Company.
Kung kaya yung oras ko habang naghihintay sa pagbalik nila ng daddy niya ay naubos lang kakaisip ng hindi magagandang ugali ng kanilang CEO.
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...